Rodrigo Duterte details plan on eradicating crime in three-six months

Apr 15, 2016
<p>Presidential candidate Rodrigo Duterte goes into details on how he plans to eradicate crime in the Philippines in three to six months, should he win the presidency.</p>

Inilahad ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang plano kung paano niya susugpuin ang krimen sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, kung sakaling siya ang manalo bilang pangulo ng Pilipinas sa May 9 elections.

Kabilang ito sa plataporma ni Duterte na naging kontrobersiyal dahil may mga nagdududa kung kaya niya itong isakatuparan. 

Sa panayam ng mga miyembro ng media sa Lipa City nitong April 14, Huwebes, nagdetalye si Duterte kung paano niya ito gagawin.

Nang matanong sa unang executive order na ipatutupad kapag siya ang nanalo, sagot ni Duterte: “I will raise the lever sa drug threat into a national security issue.

“Then I need two divisions in army, ranger-trained.

“I need 3,000 policemen, and pag naposisyon ko sila, I will ask the military and the police to go after the criminals and drug lords.

“And my order is, if they would resist to the violence, kill them,” sabi ni Duterte sa video ng Rappler sa YouTube.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, leadership o pamumuno ang kailangan ng kapulisan upang maging epektibo sa kanilang tungkulin.

“Alam ng pulis ang trabaho nila.

“Ngayon, all you have to do is to provide the leadership at protektahan mo sila.

“Invariably kasi, the Philippine contemporary attitude is that when you are sued by government for a crime, ang unang maisip ng abogado, which is just naturally actually, is to file a counter-charge and make it as a leverage.”

Ito raw ang dahilan kung bakit may pag-aagam sa panig ng pulis na mang-aresto dahil sa posibleng pagkahabla at pagkasuspinde.  

“The problem is, ang pulis, walang legal assistance.

“And when they are suspended, there is nothing on the table and the pay is too low.”

Solusyon daw ni Duterte, itaas ang sahod ng mga pulis.

“That is why I said I’m going to double the salaries of the military and the police.

Continue reading below ↓

“But I would do exacting.”

Titiyakin daw niyang maayos ang kanilang serbisyo at wala nang mangongotong.

“Mag-exact talaga ako ng performance and service. Ayoko yung palaboy-laboy.

“Ayoko yung marinig na maghingi-hingi [dahil] doblado na ang suweldo nila.”

Ipatutupad din daw ni Duterte sa buong Pilipinas ang “911”  rescue and response ng Davao kung siya ang maluklok sa puwesto.

Mayroon din daw mapagkukunan ng pondo para rito.

“Plenty of money, huwag lang i-corrupt.

“Alam mo ‘yang 911, maski na ‘yan ilalagay ko, tapos ganun ang attitude ng government, service [ng] mga tao, workers in government, walang mangyayari.”

Ani Duterte, epektibo ang 911 rescue services ng Davao dahil direkta ito.

“[If] you have been to Davao,may bumbero sarili [ang] Davao City.

“Hindi ko naman minamaliit ang Bureau of Fire, but they don’t have the equipment.

”Pagka-national, ganun. That’s the reason why there’s a desperation.

Continue reading below ↓

“Why can’t we just do it right?

“Kaya leadership lang.

“Down the road, may i-implement ka, it’s either nako-corrupt or it is not done according to the planning.”  

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Presidential candidate Rodrigo Duterte goes into details on how he plans to eradicate crime in the Philippines in three to six months, should he win the presidency.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results