Aiza Marquez still angry at ex-boyfriend Gian Magdangal

by Nitz Miralles
Apr 10, 2007
While Aiza Marquez (center) seems to bitter still about her breakup with Gian Magdangal (right), the young actress is now friends with her other ex-boyfriend, Danilo Barrios (left).


Hindi ipina-off-the-record ng young actress na si Aiza Marquez ang galit niya sa kanyang ex-boyfriend na si Gian Magdangal nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day niya sa pelikulang Angels. (Angels is a trilogy from Eagle Eye Entertainment, na pagmamay-ari nina Angel Locsin at ng manager nitong si Becky Aguila. Nasa "Angel of Mine" episode si Aiza.)



Ayon kay Aiza, seven months na silang hindi nag-uusap. At hindi raw sila mag-uusap hangga't hindi inaamin ni Gian ang ginawa nitong kasalanan sa kanya. Ayaw mag-elaborate ng young actress sa kasalanan ng dating nobyo, liban sa pagsabing involved ang isang babaeng common friend nila.



Galit si Aiza nang mag-dialogue ng, "Sabi nila makikipagbalikan ako kung nanalo sa Philippine Idol si Gian dahil sisikat siya. Puwes, manalo at matalo siya, di ko na siya babalikan! Ayoko nang kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko.

"Hindi kami friends dahil may ginawa nga siya sa friend naming babae. Nagkikita kami, pero ayokong makipag-plastikan na nakikipag-beso sa kanya. Hanggang di niya inaamin na may ginawa siya, di kami maaayos. Basta aminin lang niya ang kasalanan niya, kahit di siya mag-sorry."

Continue reading below ↓



Kahit galit, alam pa rin ni Aiza ang nangyayari kay Gian, gaya ng alam niyang idini-date ng male singer ang isang former member ng Viva Hot Babes. Hindi nga lang nito binanggit ang name ng girl dahil wala na raw siyang keber sa ex-boyfriend, na regular na napapanood sa SOP.



Break na rin sina Danilo Barrios at si Jaycee Parker. Hindi ba bumabalik kay Aiza si Danilo na naging boyfriend niya noon?



"Siya na lang ang tanungin ninyo," sabi ni Aiza. "Friends kami ni Danilo, at kahit si Jaycee, nagti-text kami. There was a time na isinusumpa ko sila ni Jaycee, bitter ako. Pero after a year-and-a-half, nawala na ang galit ko sa kanila."



Nabanggit din ni Aiza na kahit may kasalanan sa kanya si Danilo, napatawad niya ito at ng kanyang pamilya dahil naging mabait ito noong sila pa. Buong pamilya niya ay niligawan nito at wala pa raw nakagawa ng ganoon sa kanyang mga naging boyfriends.

Continue reading below ↓



Abangan n'yo pala at mapi-feature sa cover ng isang men's magazine si Aiza. Hindi lang sinabi ni Aiza kung sa FHM, Uno, o Maxim. Basta pumayag na siyang mag-pictorial na naka two-piece bathing suit. Kailangan niya raw gawin ito para ipaalam sa tao na 24 years old na siya at hindi na bata. Sa May ang labas ng magazine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While Aiza Marquez (center) seems to bitter still about her breakup with Gian Magdangal (right), the young actress is now friends with her other ex-boyfriend, Danilo Barrios (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results