Lloyd Samartino denies living in with Snooky Serna

by Dinno Erece
Apr 20, 2007
"What I did was an act of friendship, but we never lived in one unit," says Lloyd Samartino about the rumor that he and Snooky Serna lived together under one roof.


Nagbabalik-television ang dating matinee idol na si Lloyd Samartino via ABS-CBN's new soap opera, Walang Kapalit, starring Claudine Barretto and Piolo Pascual. He plays husband to Susan Africa and father to Bobby Andrews, na unang boyfriend ni Claudine sa nasabing soap.

After a year's break from showbiz—since he last returned via GMA-7's Mulawin—nang mabasa pa lang ni Lloyd ang magiging cast ng ABS-CBN soap, pinatanggap na niya agad ang trabaho sa kaniyang manager na si Leo Dominguez. Nasa cast ng soap sina Dina Bonnevie at Edu Manzano.

Kontrabida ang role niya sa Walang Kapalit, but Lloyd doesn't mind. Playing Arnold Santillan, a construction tycoon, art imitating life ito for Lloyd who, in real life, is in the build-and-rent business. He has his own construction company, Sergio Holdings, named after his only child with his estranged wife, Jo Ramos, daughter of former President Fidel Ramos.

"I don't mind playing kontrabida at this stage," sabi ni Lloyd during a lunch set sa Max Roces kanina, April 19, given by his manager.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga kay Wenn [Deramas, Walang Kapalit director], at least alam mo na ang range ko as an actor. Bahala ka nang maglaro sa character ko," kuwento ni Lloyd.

Napag-usapan din ang last issue sa kaniya less than a year ago—that of him and former loveteam Snooky Serna allegedly living together. Kakahiwalay lang that time ni Snooky sa kaniyang husband na si Ricardo Cepeda.

"Namumrublema noon si Snooky, kasi ang tinitirhan niyang condo, sira na ang bubong at balcony nito. So sabi ko sa kaniya, if she wants, she can move in to one of my rented places where I happen to live din, sa Del Pilar Place sa Makati," kuwento ni Lloyd.

"Sabi ko sa kaniya, ‘Snooky, hindi ito permanent. Magkaibigan tayo pero this is business. For the time being, you can stay here for free. Pero maghanap ka rin ng malilipatan.' Sabi niya, seven days lang daw siya tatagal.'

Continue reading below ↓

"Kaya lang, bigla na lang akong tinawagan ng The Buzz. Nagtatanong kung totoong mag live-in na kami ni Snooky. I was texting Snooky about this. Kailangan pareho ang isasagot namin dahil kahit ano ang mangyari, hindi naman alam ng tao what's the real score—that I'm living at the top floor and she's at the second floor.

"Hindi ako sinagot ni Snooky, ‘tapos bigla ko na lang siyang nakita sa S-Files or sa The Buzz ba yun... Umiiyak, nagi-guilty raw. Kung bakit siya nagi-guilty, I don't know. But then I had to clear myself din na what I did was an act of friendship, but we never lived in one unit."

Hindi rin umabot ng seven days si Snooky sa unit.

That was also the last time na nagkausap sila.

Ani Lloyd, "Before kasi, sa Habang Kapiling Ka [a defunct soap on GMA-7], palagi niyang sinasabi na bakit ako may business na at may naipon na. So pinapayuhan ko siya na dapat at her age mayroon na rin siyang naipon. She is a superstar, a soap-opera queen, kaya dapat nakakapag-ipon na rin siya.

Continue reading below ↓

"Sabi niya sa akin, tulungan ko raw, so I readily gave her advice and support. Ang sabi ko, sa bawat one hundred thousand na kikitain niya kunwari isang linggo—dahil may soap pa naman siya—twenty lang ang gastahin niya, and the rest, ibangko niya. Tutulungan ko nga siya na mag-open ng time deposit."

Dagdag pa niya, "Nang dumating ang unang suweldo, tumawag siya. Sabi niya, kasi raw ang dami niyang gagastusin this and that so sa next suweldo na lang."

Hindi na rin daw natuloy ang pagtulong niya kay Snooky mag-time deposit.

Read Next
Read More Stories About
Lloyd Samartino, Snooky Serna
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"What I did was an act of friendship, but we never lived in one unit," says Lloyd Samartino about the rumor that he and Snooky Serna lived together under one roof.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results