Aya Medel shocked at report she belittled Juday's culinary course

by Rey Pumaloy
Apr 24, 2007
Comebacking sexy actress Aya Medel (right) clarifies a report that she belittled Judy Ann Santos's culinary course at the Center for Asian Culinary Studies where Aya also finished a course.


Shocked ang comebacking sexy actress na si Aya Medel sa balitang nilait niya ang kurso ni Judy Ann Santos sa Center for Asian Culinary School (CACS) na matatagpuan sa Café Isabel.

Caught unaware si Aya sa isyu sa press con ng Daisy Siete Season 15 na "Isla Chikita" nang matanong ito kaya agad nagpaliwanag ang dating sexy star.

Sabi ni Aya, hindi siya kailanman magsasalita ng kahit na anong laban kay Juday dahil hindi naman sila nagkasabay sa CACS. Nong pumasok raw siya sa nasabing school ay patapos na ng kurso nito si Juday.

Bagama't "chef" ang kinukuhang kurso ni Aya, hindi niya magagawang uriin o laitin ang tinapos na kurso ng young superstar. Kahit mas mahal ang kurso ni Aya kumpara sa kurso ni Juday, wala raw dahilan para tayaran nito ang tinapos ng young actress.

Dalawang certificate courses ang tinapos ni Juday sa CACS last December, Basic Cooking and Baking at Advanced Baking and Cooking.

Continue reading below ↓

Sumumpa si Aya na wala siyang nakakausap na kahit na sinong reporter na posibleng paglabasan ng sinasabing pagtataray niya kay Juday.

"Hindi nga ako lumalabas sa mga showbiz gatherings. Paano ako makaka-tsika ng mga press?" paliwanag niya.

Isa si Aya sa mga sexy stars na nakapag-asawa ng mayamang Hapon. Bukod sa pagkakaroon niya ng bar sa Makati, idina-drive nito ngayon ang isang mamahaling two-door black sports Mercedez Benz. Mas mahalaga, isa si Aya sa pinakamabait at pinakamapagkumbabang artista sa showbiz.

Pero hindi pa rin daw rason ang pagkakaroon niya ng pera para manlait siya ng tao, lalo na ng kapwa niya artista.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comebacking sexy actress Aya Medel (right) clarifies a report that she belittled Judy Ann Santos's culinary course at the Center for Asian Culinary Studies where Aya also finished a course.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results