A more daring and mature Regine Velasquez in "Paano Kita Iibigin"


Asia's Songbird Regine Velasquez stars with matinee idol Piolo Pascual in Paano Kita Iibigin, their first team-up on the big screen. Regine and Piolo first worked together in an episode of Maalaala Mo Kaya.


Natuloy na rin sa wakas ang first big screen team-up ng dalawang superstars ng magkalabang network—ang Songbird ng GMA-7 na si Regine Velasquez at ang Heartthrob ng ABS-CBN na si Piolo Pascual—in a Star Cinema and Viva Films movie, Paano Kita Iibigin.

Written by John Paul Abellara and directed by Joyce Bernal, hindi pa tapos ang principal photography ng pelikula ngunit may playdate na ito, which is May 30.

Sinabi ng Asia's Songbird sa first press con for the movie kagabi, April 25, sa ABS-CBN compound, na this is her most mature movie so far.

"For one, first time akong gaganap na unwed mother. Hindi pa ako nakakagawa ng pelikula na may anak na ako," paliwanag ni Regine sa tanong na ano ang bagong ipapakita niya rito.

"Saka hindi lang mas maraming kissing scenes dito kaysa sa ibang pelikula ko, much more than that pa. First time din akong nag-wet scene!" pahabol pa niya.

Sa poster mismo ng Paano Kita Iibigin ay magkadikit ang mga katawan ng dalawang lead stars, kung saan shirtless si Piolo at si Regine naman ay nakasuot ng basang blouse. Sabi ni Regine, napaka-nipis daw ng blouse na suot niya sa naturang pictorial, pero baka hindi lang halata sa poster. Isa pa, itinatago nga ang harapan niya ng pagkakayakap niya kay Piolo.

"From the start pa lang naman, alam kong may ganitong scene kasi nasa script na ito. And yet, tinanggap ko pa rin. During the actual shooting of the scene, na inabot ng one full day, basta pumunta na lang ako nang walang tanong. Sayang naman, e, Piolo ang partner ko, so sulitin na!" sabay tawa ni Regine.

May isa pang pahabol na joke si Regine sa kanyang daring scene: "Kaya kapag nakita ninyo ang nanay ko, sabihin nyo na lang sa kanya, computer effects lang lahat yun, ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN