A new and improved Heart Evangelista


"Dahil lumaki ako sa States, nariyan yung Inglesera ako, maraming arte sa katawan, ni hindi ako marunong magsabi ng po at opo. Pero nang maging best friend ko si Angelica Panganiban, marami siyang naituro sa akin, at hindi siya nag-aalangang sabihan ako ng ‘Ang arte-arte mo!'" says Heart Evangelista to explain how things are with her today.



Nagbigay ng thanksgiving lunch ang young actress na si Heart Evangelista para sa entertainment press kahapon, April 30, sa Imperial Palace Suites. Na-realize daw kasi ni Heart na lagi na lang siyang umaasa sa Star Magic (ang talent arm ng ABS-CBN) at Manila Genesis (ang kanyang present management) na ipa-press con siya. Kaya raw tuloy hindi siya nakakapagpasalamat sa lahat ng suporta sa kanya ng entertainment press.

"Si Jericho [Rosales, her boyfriend] ang nagsabi sa akin na mag-reach out ako sa mga tao, matuto akong makisama. At nakita ko ito sa kanya. Say, yung nakapila kami para manood ng premiere night, pinauuna niya ang mga fans, na tuwang-tuwa naman sa gesture ni Echo," nakangiting pahayag ni Heart.

Inamin din ni Heart na mahirap palang maging anak ng mayaman, lalo na nang pasukin niya ang showbiz.

"Dahil lumaki ako sa States, nariyan yung Inglesera ako, maraming arte sa katawan, ni hindi ako marunong magsabi ng po at opo. Pero nang maging best friend ko si Angelica Panganiban, marami siyang naituro sa akin, at hindi siya nag-aalangang sabihan ako ng ‘Ang arte-arte mo!'" kuwento ni Heart.

Dagdag pa niya, "Noong isinama ako ni Echo sa Marikina, sa dati nilang bahay doon, takot na takot ako dahil ang nasa isip ko, yung mga nabasa ko tungkol sa Marikina Files scandal. Pero hindi pala, ang ganda-ganda pala ng Marikina."

Sinabi rin ni Heart na malaki na ang kanyang ipinagbago. "Natauhan" na raw siya sa kanyang mga pagkakamali noon, na naging dahilan para maapektuhan ang kanyang showbiz career. Siya rin daw ang lumapit sa ABS-CBN at kay Johnny Manahan upang bigyan siya ng isa pang pagkakataon.

"True na ako ang may kasalanan sa nangyari sa career ko," pag-amin niya. "Nag-sorry na ako, at kahit hindi pa kami nagkakausap, natuwa na ako nang makapag-guest ako ulit sa Wowowee at sa ASAP. Kung napanood nyo ‘yon, talagang ninenerbiyos ako. Nahihiya ako sa mga kasama ko, but they were so good to me. Pero it's not true na babalik na kami ni Echo sa Star Magic, sa Manila Genesis pa rin kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang relasyon nila ni Jericho?

Ani Heart, "Last Holy Week, nag-surfing kami sa San Fernando, La Union. Three days kami doon. Kapag may lakad ako na wala siyang trabaho, sinasamahan niya ako.

"Pero ako, kahit wala akong trabaho, hindi ko siya sinasamahan. I respect the fact that Echo is everyone's leading man, at hinahayaan ko siyang maka-meet ng ibang girls. In fact, hindi nga siya makakasama sa pagpunta ko sa States on May 2, for a concert with the APO and Nanette Inventor. Hindi rin naman ako magtatagal doon, dadaan lang ako sa San Francisco to visit my sister. Kailangan ko ring bumalik agad dito dahil sa taping ko ng Hiram na Mukha.

"Magsisimula na rin kasi siyang [Jericho] mag-taping ng Pangarap Na Bituin with Sarah Geronimo. Mas mabuti na yung hindi na lang kami palagi ang magka-partner, mas mabuti na yung iba naman ang katambal niya. Isa pa, busy rin siya sa kanyang banda, may mga gigs sila."

May selosan o away pa ba sila ni Jericho?

"Wala nang selosan," sagot niya. "Minsan, may away, pero mga petty quarrels. Like, yung kausap ko siya sa cellphone, tapos may makikipag-usap sa akin na sasagutin ko naman. Ayaw niya na hindi ako nagso-sorry sa kanya bago ko sagutin ang nakikipag-usap sa akin.

"Pareho na kaming nasa New Life Fellowship. Madalas naming nakikita doon sina Diether [Ocampo] at Kristine [Hermosa]. Hindi man kami super nag-uusap ni Kristine, pero nagbabatian na kami. Minsan magkatabi pa kami sa upuan," salaysay ni Heart. Si Kristine ay naging girlfriend ni Jericho.

Pinabulaanan din ni Heart ang balitang nag-live-in sila ni Jericho.

"Ipinaglaban ko siya sa family ko, pero hindi kami nag-live-in," diin niya. "Gusto ko munang magpakasal kami, maybe when I'm 25. I'm only 22 now and Echo is 27. Natapos na niyang ipagpagawa ng bahay ang family niya. Ngayon, tinatapos na yung bahay para sa sarili niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod na ang activities ni Heart ngayon. Natapos na niya ang indie film na Ay, Ayeng, na idinirek ni Ed Palmos. Ipinalabas na raw ang nasabing indie film sa Berlin at Hawaii International Film Festivals.

Busy rin si Heart sa kanyang fundraising drive na Heart Can, na para sa indigent patients with pulmonary problems and other medical concerns. Member din si Heart ng Philippine Animal Welfare Society, Inc. (PAWS), na nagsusulong naman ng proper treatment of animals nationwide.

Bukod dito, plano rin daw ni Heart na bumili ng isang resort.

"May titingnan kaming resort mamaya sa San Fernando, La Union, ni Echo. Kung magugustuhan at maayos namin ang bilihan, gusto kong mag-operate na ‘yon sa September, sa birthday ni Echo," pagbabalita ni Heart.

"Hihingi rin ako ng advice sa mga sisters ko—si Camille, na nagma-manage ng Barrio Fiesta namin sa UN Ave., at si Mitch na engaged naman sa Via Mare restaurant. Kailangan ko rin ang restaurant sa resort," sabi ni Heart.

Bakit parang ang daming gustong gawin ni Heart?

"Iniisip ko lang ang future ko as an independent person. Gusto kong ipakita sa family ko na kaya ko nang tumayong mag-isa. Kaya gusto ko pang makaipon para matupad lahat ng mga plano ko," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN