Yasmien Kurdi willing to pose nude for a cause


Yasmien Kurdi is the latest Filipino celebrity to become a member of PETA (People for the Ethical Treatment of Animals). Now a strict vegetarian, Yasmien says she's willing to pose nude for PETA's campaign ad.



Maagang dumating si Yasmien Kurdi sa grand launching ng Forever Flawless branch sa SM Bacoor, Cavite, last April 29. Isa si Yasmien sa mga celebrity endorsers ng Forever Flawless, na pag-aari ni Mr. Joey Santos at ilang business partners.



Marami ang pumuri sa kaseksihan ni Yasmien ngayon, lalo na yung mga madalas makakita sa kaniya sa sa bakuran ng GMA-7 noong medyo mataba pa siya. Hindi naman inililihim ni Yasmien ang kanyang sikreto kung paano siya pumayat ngayon.



Ang pagiging strict vegetarian ni Yasmien ang dahilan kung bakit ang sexy-sexy niya ngayon. Naging vegetarian daw siya pagkatapos niyang maging miyembro sa PETA (People for the Ethical Treatment of Animals). Nakita lang daw niya sa Internet ang international organization na ito. Pagkatapos makita ni Yasmien kung paano ang ginagawang pagpatay sa mga hayop, agad siyang nag-fill-up ng application para maging member ng PETA.



Bukod kay Yasmien, member din ng PETA si Diether Ocampo, na nag-pose ng nude para sa isang campaign ad nila. Nakita na raw ni Yasmien ang nasabing pictorial ni Diet. Willing din daw ang young actress mag-pose ng nude para sa campaign ng PETA.



"Kaya kong gawin yun for a cause," nakakagulat na sabi ni Yasmien. "Pero yung mag-pose nang sexy para sa men's magazine, ayoko. Binibigyan mo lang ng kasiyahan yung mga lalaki. Magpapa-pictorial ako ng sexy, not for them, but for a cause."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN