Mike Tan now ready for mature and sexy roles


"Siguro may limitasyon, kasi may mga bagay na aminado ako sa sarili ko na hindi ko pa kaya," says Mike Tan about accepting more daring roles.



Tanggap ng young actor na si Mike Tan kung matumal ang takbo ng kanyang showbiz career ngayon. Alam niya raw na may tamang panahon para sa lahat ng bagay sa showbiz.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Mike na noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz ay hindi pa siya ganoong handa. From being an unknown, bigla siyang nagkaroon ng career bilang isang artista dahil nanalo siyang Ultimate Male Survivor sa StarStruck Batch 2.

Pero sa paglipas ng panahon, kahit nga raw anong role ang ipagkaloob, basta't hindi makakasira sa kanya, ay kaya na niyang harapin. Maging ang mga daring and mature roles, kung alam niyang hindi naman magiging negatibo sa kanyang pagkatao, ay gagawin daw niya.

Kung papel daw ng isang bayarang lalaki o isang macho dancer, kakayanin naman niya, basta hindi raw todong paghuhubad ang ipapapagawa sa kanya. May limitations pa rin daw kasi si Mike.

"Kaya ko sigurong mag-topless. Pero yung mag-macho dancing, na kamay lang yung nakatakip sa ano ko, di ko kaya yun!" natatawang sabi ni Mike.

Kung beach scene ang gagawin, papayag din daw siya kung pagsusuutin siya ng trunks.

"Normal lang naman kasi na kapag nasa beach ka, magta-trunks ka. Hindi awkward lalabas, kasi nga beach scene yun," rason niya.

Kung todong paghuhubad, pero launching movie niya, papayag kaya siya?

"Siguro kung mabibigyan ng chance," sagot ni Mike. "Depende na rin sa pag-uusap ng Artist Center [talent arm ng GMA-7]. Ang hirap magdesisyon ngayon, e. Siguro may limitasyon, kasi may mga bagay na aminado ako sa sarili ko na hindi ko pa kaya."

Sa ngayon, ang pagsusuot daw ng trunks ang pinaka-daring na kaya niyang gawin. Biro pa ni Mike, kailangan muna raw siyang lasingin nang husto kung pagsasayawin siya na tila isang macho dancer na halos wala nang saplot.

Sa SOP ay madalas napapanood si Mike na naka-topless, kasama pa ng ibang male sexy stars ng GMA-7. Sa bagong project ni Mike, ang L.U.V. Pow, sinabi ng young actor na noong first taping day pa lang nila ay shirtless daw agad siya sa unang eksena niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN