Joross Gamboa has a new girl inspiring him


"I cannot say na we're on a girlfriend-boyfriend thing. Siguro, it's more on MU, as in mutual understanding," says Joross Gamboa about the new girl on his horizon.



Walang sinasabi ang young actor na si Joross Gamboa kapag may nagtatanong sa kanya regarding the status of his lovelife. Pero kailan lang, may nalaman ang PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang taong malapit at madalas nakakasama ni Joross. Kaya pala quiet lang ang young actor pagdating sa kanyang lovelife ay dahil wala rito sa Pilipinas ang girl na masasabing pinakamalapit sa puso niya ngayon.



Hindi naman ito idinenay ni Joross nang makausap siya nang personal ng PEP. Pero nagpauna na siyang huwag naman daw naming sabihing "girlfriend." Mag-uusap pa raw kasi sila ng girl pagdating nito sa bansa.



Kasalukuyan kasing nag-aaral sa Malaysia ang girl, na isang commercial, billboard, and print-ad model sa naturang bansa. British daw ang father at Filipina naman ang mommy ng bagong inspirasyon ni Joross.

Nakilala ni Joross ang dalaga dahil daw magkalapit lang ang bahay nila sa B.F. Homes ParaƱaque. Ibinalita ng young actor na nakatakdang magbakasyon sa Pilipinas ang bagong inspirasyon niya this coming June. Pero nakiusap si Joross na huwag na lang daw isulat ang pangalan ng dalaga dahil hindi naman ito artista.



"We have a constant communication naman. Pero siyempre, mahirap ang long-distance, at hindi naman ako used to having a relationship na long-distance talaga. So I cannot say na we're on a girlfriend-boyfriend thing. Siguro, it's more on MU, as in mutual understanding. Pag-uusapan pa rin namin ang lahat pagdating niya rito," paliwanag ni Joross.



Base sa pagkukuwento ni Joross, mukhang very proud naman siya sa kanyang bagong inspirasyon. Ipinakita pa nga ni Joross sa PEP ang picture ng dalaga sa kanyang cell phone. Bukod sa maganda, matangkad din daw ito (halos kasing-tangkad ni Joross, who is 5'8"), matalino, mabait, at nanggaling sa maayos na pamilya. Nineteen years old lang daw ang girl, while Joross is now 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Joross, wala rin daw problema sa kanilang dalawa if they go out with other dates. Wala pa naman daw kasing definite sa kung anuman ang meron sa kanilang dalawa ngayon.

Ang huling girlfriend ni Joross ay ang young actress na si Roxanne Guinoo, na balitang may bago ng boyfriend sa katauhan ni Jake Cuenca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN