GMA-7's Artist Center to launch a new boy band


(From left) Tyron Perez, Dion Ignacio, and Mike Tan are just some of the male sexy stars of GMA-7 who are being considered to be part of Artist Center's new boy band.



Confidential at wala pang gustong magsalita, pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na isang boy band ang binubuo ng GMA Artist Center, that will not just sing-and-dance but also show some skin.

Wala pang iniri-release na pangalan ang nasabing boy band at continuous pa rin ang audition ng mga GMA-7 male stars for this. But definitely, hindi raw ito ang ipapalit sa short-lived Stags, na binubuo noon nina Mike Tan, Tyron Perez, Dion Ignacio, and other male sexy stars na lumabas sa SOP.

Tila open for non-StarStruck graduates ang boy band na binubuo. Balita kasing among those who auditioned were Mike, Dion, Dominic, and Felix Roco, StarStruck II graduate Kevin Santos, and the male model na partner ni Rhian Ramos sa McDonalds commercial. Some were asked to sing, some were asked to dance, and all were asked to bare their torso.

Hindi pa rin daw sinasabihan ang mga nag-audition kung sino ang pasok at kung sino ang hindi, dahil at this point, confidential pa nga lahat. But some were advised na i-enhance ang kanilang physique, just in case makuha sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN