JC de Vera's loyalty to GMA-7 pays off


"I trust GMA, sobrang tiwala ko sa kanila. And so far, hindi naman nila ako pinababayaan, never naman akong nabakante pagdating sa trabaho," says JC de Vera about his home network.


Tawa lamang ang isinagot ng young actor na si JC de Vera nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoong sumama ang loob niya dahil pinalitan siya ni Carlo Aquino bilang leading man ni Valerie Concepcion sa Sinasamba Kita ng GMA-7.

(Gagampanan ni Carlo ang papel na unang ginampanan ni Phillip Salvador sa pelikulang Sinasamba Kita, habang si Valerie ang gaganap sa role ni Lorna Tolentino.)

"Bakit naman sasama ang loob ko?" tanong niya. "In-explain naman sa aking mabuti kung bakit hindi ako natuloy sa Sinasamba Kita, at naintindihan ko naman. Kaya walang reason para sumama ang loob ko."

Although aminado siya na nami-miss na niyang makatrabaho ulit si Valerie, na unang ka-loveteam niya, alam naman ni JC na hindi siya pinababayaan ng GMA-7.

"They told me na they have a different plan for me, and I trust GMA, sobrang tiwala ko sa kanila. And so far, hindi naman nila ako pinababayaan, never naman akong nabakante pagdating sa trabaho," sabi ni JC.

True enough, may kapalit na agad ang Sinasamba Kita para kay JC. Ito ay ang Pati Ba Pintig ng Puso?, kung saan susubukan ang tambalan nila ni Yasmien Kurdi.

(Gagampanan nina JC at Yasmien ang mga role na unang ginampanan nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, respectively, sa pelikulang Pati Ba Pintig ng Puso?.)

"Kaya nga very thankful ako sa GMA-7. Alam ko na isa rin itong matinding project, at nakaka-excite na kami naman ni Yasmien ang magkapareha. Bagong experience ito para sa akin at sa career ko. Nakaka-excite talaga and, at the same time, medyo nakakanerbiyos," pag-amin ng young actor.

Samantala, tinanong din namin ang young actor kung bakit wala pa siyang girlfriend ngayon.

"Ihanap nyo nga ako ng girlfriend!" biro niya.

Binawi naman agad ito ni JC sa pagsasabing masaya siya kahit wala siyang girlfriend. Sa kanyang showbiz career daw kasi nakatutok si JC ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may darating na babae, okay lang. Pero kung wala pa, kung hindi pa ngayon yung right time na magkaroon ulit ako ng girlfriend, okay lang," sambit niya.

Nang tanungin namin kung bakit hindi niya niligawan noon si Valerie, ang marahang sagot ni JC ay: "Magkaibigan kami ni Val, hanggang dun lang yun. Pareho naming alam na hindi namin type ang isa't-isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN