Richard Poon and wife Maricar Reyes choose Rodrigo Duterte

Apr 15, 2016
<p>Richard Poon and wife Maricar Reyes are choosing Davao City Mayor Rodrigo Duterte as their presidential candidate.</p>

Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang susuportahan ng mag-asawang Richard Poon at Maricar Reyes ngayong May 2016 elections.

Sa pamamagitan ng isang blog na nailathala ngayong Biyernes, April 15, inisa-isa ni Richard ang mga dahilan kung bakit si Duterte ang napipisil nilang ibotong presidente.

Pinamagatang “Me and Maricar’s Thoughts on our Presidentiables”, tinalakay ng singer ang pangunahing responsibilidad ng pamahalaan.

Aniya, “Many say their reasons to pick a presidentiable are: diplomacy, economic growth/business interests, strategic planning/platforms, and a gazillion other VALID REASONS.

“IF YOUR PRIMARY REASON to elect a President is ECONOMIC/BUSINESS INTERESTS and DIPLOMACY, Mar Roxas should be a good, safe bet.”

Pero sundot niya, “But ABOVE all these important elements, I believe the PRIMARY ROLE of government is to RESTRAIN EVIL, PROMOTE SOCIAL ORDER, and GIVE JUSTICE to its people.---this belief is fuelled heavily by writings of Chuck Colson---a Christian leader that served in the White House (whom Ninoy Aquino sought as spiritual mentor).”  

Continue reading below ↓

“INITIAL DOUBTS.” Pag-amin ni Richard, may agam-agam siya noong una hinggil kay Duterte dahil sa taguri sa kanyang “berdugo,” sa pagtatalaga niya ng curfew sa gabi, paglalagay ng no-smoking areas, pagkakaroon ng liquor ban at 40-km speed limit sa Davao.

Pero paliwanag ng singer, dahil sa maraming beses na pagpunta niya sa Davao, nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ang iba't ibang Davaoeño.

“I was shocked yet CURIOUSLY AMAZED that taxi drivers, ordinary employees LOVE & RESPECT him! In their own words, Duterte was THE EXACT OPPOSITE of the MANY ACCUSATIONS. Many say this is because the Mayor PROTECTED THEM FROM EVIL.”

Banat pa ni Richard sa mga nagsasabing isang masamang lider si Duterte, “In my circles, most of the people who judge Duterte as an ill leader have NEVER BEEN TO DAVAO to witness his reforms first-hand.”

Kung totoo man daw na walang may gusto sa pamumuno ni Duterte, marahil daw ay marami nang rebelde ang kumilos upang mapatalsik sa puwesto si Duterte.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si Richard sa mga nakausap niyang mga taga-Davao upang makilala niya ang tunay na katauhan ni Duterte.

“NOT DOABLE IN 3-6 MONTHS.” Hindi raw kaya ng kanyang konsensiya na sumang-ayon sa mga nagdududa kay Duterte na kaya nitong sugpuin ang krimen sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

“So if that’s true, WHERE WILL I GO? To Mar Roxas who promises to MAINTAIN/CONTINUE 'Daang Matuwid'?

May pagmamahal man daw siya kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino dahil sa mga nagawa nito sa bansa, mula sa dating pangulo, hindi maitatangging marami pa raw suliranin na hindi nalulutas.

Kabilang na rito ang suliranin sa transportation system at kung saan napunta ang pondo nang mangyari ang bagyong Yolanda, o kaya ay ang mga na-convict sa kaso ng hazing.

“When you pay steep taxes and CANNOT see a simple walkalator operate in your own airport, or roads repeatedly break into potholes after moderate rain...”

Continue reading below ↓

Tinalakay rin ni Richard sa kanyang artikulo ang pagkakaroon ng red tape sa pamahalaan, tax evasion, bribe, at counterflow traffic.

“Have you been robbed? Does our present government protect you well and give just punishment to the robber? Do you feel safe? Do CCTV footages just show you HOW POWERLESS WE ARE AGAINST CRIME?

“Are the people who ran away with money in pyramid scams, estafa, etc. jailed for good when they victimize you? Or do they GO FREE in spite of you paying lawyers to do their best?

“And if criminals are successfully jailed, is it true that they become ‘kings’ in Bilibid prison with money-making businesses like cooking shabu?”

VOTING FOR DUTERTE. Pahayag pa ni Richard, “I am voting for Duterte because he DID IT IN THE MICRO (Davao). I saw him change what many (including myself) thought to be UNCHANGEABLE—-the corrupt system of governance.”

Continue reading below ↓

Umaasa raw ang singer na sa magandang halimbawang nagawa ni Duterte sa Davao ay magagawa niya ito sa buong Pilipinas.

“Even if he takes more than 6 months, I’ll still support him. Rather than ACCEPT THE STATUS QUO of governance, crime, corruption and drugs.”

Tanong pa ni Richard, bakit pinagtatawanan si Duterte ng ibang mga pulitiko at tao na walang nagawa upang masupil ang korapsyon sa pamahalaan, samantalang si Duterte ang may nagawa upang matigil ang korapsyon sa kanyang bayan?

“I have to give a clap for Duterte opponents trying to DISTORT him being a tough, fearless, disciplinarian father THAT DAVAO LOVES & RESPECTS into a tyrant who will take away your candy, be like Marcos, choke you into Martial Law, and kill a law-abiding citizen like yourself.

“If one day you come FACE-TO-FACE WITH REAL EVIL (murder, rape, robbery), believe me, you will CALL DUTERTE for help.

Continue reading below ↓

“RAISING THE STANDARD HIGHER

“I believe this country deserves BETTER—-someone to RAISE THE STANDARD HIGHER.”

Hindi raw sumasang-ayon si Richard sa mga nagsasabing hindi nila iboboto si Duterte dahil isa itong babaero at nagmumura.

“But if you, like me, believe that THE PRIMARY ROLE of government is to RESTRAIN and PUNISH EVIL, GIVE BACK JUSTICE to the Filipinos who are so tired of living without it, then Duterte is your ONLY CHOICE.

“I will NOT choose another candidate OUT OF FEAR OF DUTERTE. I choose Duterte out of strong FAITH in him.

“I say, Go Duterte, give the Philippines hope in CHANGING THE EVIL WE HAVE BECOME SO ACCUSTOMED TO!”

Sa nasabing artikulo, mayroon ding maiksing pahayag ang asawa ni Richard na si Maricar na nagpapahayag ng kanyang pagsuporta kay Duterte.

Sabi ng aktres, “I would rather have FAITH in what Duterte has accomplished, HOPE in what he CAN do, than SETTLE for his opponents in FEAR of the 'monster' he 'could' become. (And some say he already IS.)”

Continue reading below ↓

Makikita rin sa nasabing artikulo ang pirma ng mag-asawa.

OTHER CANDIDATES. Sa nasabing artikulo, ipinahayag din ni Richard na mataas ang respeto niya at pagpapasalamat kay PNoy.

Nagbigay rin siya ng maiiksing paglalarawan sa iba pang presidential candidates na sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe, Sec. Mar Roxas, at Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Aniya tungkol kay Binay, kinakatawan daw nito ang mga dating namuno sa bansa. At dahil sa ipinakitang pamamalakad ni PNoy, hindi na raw nanaisin ni Richard na balikan ang “previous regimes.”

Heart-broken daw siya nang matalo si Miriam nang tumakbo itong pangulo dati.

Nalulungkot daw siya na sa kabila ng husay, credentials, at talino ni Miriam ay natatabunan ng kanyang health problems.

Maganda naman daw ang reputasyon na ipinapamalas ni Gracesa publiko, subalit hindi raw niya nakikita ang senadora bilang game-changer.

Pahabol pa nina Richard at Maricar, rehistrado silang botante ng bansa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Richard Poon and wife Maricar Reyes are choosing Davao City Mayor Rodrigo Duterte as their presidential candidate.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results