PDA management confirms sanctions against Irish, Panky, Chad, and Jay-R


(Clockwise) Pinoy Dream Academy scholars Jay-R Siaboc, Panky Trinidad, Chad Peralta, and Irish Fullerton have been expelled from ASAP '07 for violating rules of conduct of the Academy.



Kumpirmadong tinanggal na sa ASAP ‘07 ng ABS-CBN ang apat sa Top 6 scholars ng Pinoy Dream Academy (PDA)—sina Irish Fullerton, Panky Trinidad, Chad Peralta, at Jay-R Siaboc.

Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo kay Direk Jon Ilagan, ang managing director ng Dream Big Productions, kung saan nakakontrata ang PDA scholars.

Sina Irish, Panky, Chad, at Jay-R ay agad na inalis sa naturang Sunday musical variety program dahil sa maraming violations nila, lalo na nang nasa Amerika sila para sa kanilang concert tour.

Napabalitang lumabas ang kagaspangan ng kanilang ugali sa US concert tour at mismong ang mga kababayan natin ang nagreklamo sa kanila. Balitang naging pasaway at nag-inastang magagaling at super-sikat ang apat.

Ayon sa mga nakalap naming impormasyon, nanguna sina Irish at Panky sa mga nagmaldita at naging sakit ng ulo ng mga producers/promoters ng shows nila sa US. Naroon ang isyu ng pag-inom ng alak kahit mahigpit itong ipinagbabawal, ang pagiging disorganisado sa mga kuwarto nila, ang pagiging unruly kahit nasa harap ng ibang tao, at ang pinakamalala ay ang diumano'y "room swapping" nina Irish at Panky sa hotel rooms ng mga lalaki. Naging malaking isyu rin ang pagkakaroon diumano nila ng intimate moments.

"Natural na bigyan sila ng kaukulang parusa ng PDA management. Hindi na naaayon sa wasto ang ikinikilos nila," sabi ng mapagkakatiwalaang source ng PEP.

Sina Yeng Constantino at Ronnie Liang na lamang ang maiiwan sa ASAP '07. Sinasabing naging behaved ang dalawa during their entire stint sa US.

Kinumpirma rin ng isa pang source na totoo ang lumabas na balita rito sa PEP na namuo na nga ang relasyon sa pagitan nina Panky at Chad at nina Irish at Jay-R. Marami din ang nanghihinayang sa kanila, lalo na kay Jay-R. Bukod sa kaka-launch lang ng album ni Jay-R ay nakatakda rin sana siyang lumabas sa isang teleserye kasama sina Jericho Rosales, Sarah Geronimo, at Maja Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan ng PEP na kontakin ang apat para hingan ng pahayag tungkol sa isyu, pero hindi nila sinasagot ang aming text messages o tawag.

Samantala, nagpadala si Direk Jon sa PEP ng official statement kaugnay ng sanction na ipinataw ng Dream Big Productions kina Irish, Panky, Chad, at Jay-R.

"In behalf of Dream Big Productions, we would like everybody to know that the management, after investigations made about the issue currently being tackled in most of the tabloids regarding the PDA scholars, have given the Artists involved sanctions for their wrongdoings. We assure you that we do not condone such behavior and that what has happened is something that is not expected from an ABS-CBN artist. We truly understand and commend our friends from the press for their constant reminders. We at Dream Big Productions will do everything that is right and just, even if it means reprimanding our own for their shortcomings. Thank you very much."

Nakakapanghinayang talaga ang sinapit ng apat na artists na ito, pero kailangan talagang dumating sa ganitong punto ang lahat. Sana naman ay makapagmuni-muni sila at muling magising sa kanilang mga nilikhang bangungot bago tuluyang masira ang kanilang career. O huli na talaga para sa kanila?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN