Mark Bautista reveals his new inspiration


During the launch of his latest album last night, Mark Bautista had a speacial guest—Miss Earth-Canada 2006 Rizza Santos. The male singer admits that he and the beauty queen are already MU, which translates to "mutual understanding."



May special guest si Mark Bautista during the launching of his third studio album from Viva Records sa Mugen Bar last night, May 2—si Rizza Santos. Rizza is a full-blooded Filipina but is a Canadian citizen. She represented Canada last year sa Miss Earth beauty pageant. She didn't win the crown but she was awarded the Miss Photogenic title.

Hindi naman sa pageant nagkakilala sina Mark and Rizza, although Mark remembered na kay Rizza siya nagka-crush sa lahat ng mga contestants sa Miss Earth 2006.

"Sa TV pa lang noon, nakikita ko na siya. Sabi ko, 'ang ganda niya,'" Mark recounts.

"During the pageant night, nag-text ako kay Christian Bautista [one of the hosts/performers that night] na pakisabi 'hi' kay Rizza. Hindi ko alam kung nasabi niya yun, and then nakalimutan ko na."

Na-link din for a while si Mark sa Pinoy Dream Academy scholar na si Irish Fullerton, who was recently sanctioned by her management company for misconduct. Nagkakilala sa ASAP, Mark and Irish dated several times, but their work schedules came between them.

"After our last date, nagsimula na ang tour nila sa Japan, then sa USA. So nawalan na rin kami ng time sa isa't isa," sabi ni Mark tungkol kay Irish.

It was then that Mark and Rizza first met formally—not here in the Philippines but in Canada. Last February, nag-Canada tour si Mark kasama si Sarah Geronimo.

"Sa bahay ng isang consul doon where we were doing promotion, may dumating na girl, ang ganda. Hindi ko siya nakilala na si Miss Earth Canada na crush ko. Kasi nag-iba ang buhok niya, dati kasi kulot siya, ngayon straight na," kuwento ni Mark.

He asked to be introduced to Rizza, and that's where their communication started.

Sabi ni Mark, hindi sila nakapag-date sa Canada ni Rizza. But fortunately, last month, bumalik si Rizza sa Pilipinas as part of her job as Canada's tourism ambassadress. Mark asked Rizza for a date and she accepted. So ngayon, MU na sila—as in mutual understanding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi alam ni Mark kung hanggang saan makakarating ang nabubuong relasyon nila dahil today, May 4, umalis na si Rizza pabalik sa Canada. Ngunit malamang ay di na papapigil ang binatang mukhang tinibukan ng puso.

As part of the promo na gagawin ni Mark for his album, may European tour siyang gagawin next month and a US tour naman in August. Nasa North America lang din ang Canada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN