Arthur Solinap wants to step out of Dingdong Dantes's shadow


"If you have the body, why not show it? Para makita ng marami na you have a healthy lifestyle," says Arthur Solinap about going more daring in his roles.



Handang-handa nang magpaka-daring ang pinsan ni Dingdong Dantes na si Arthur Solinap. Kasama si Arthur sa 15th season ng Daisy Siete, na "Isla Chikita," kung saan marami raw siyang eksenang naka-swimming trunks lang siya.



Wala naman daw kiyeme si Arthur na ilantad ang kanyang katawan dahil meron naman siyang ipagmamalaki. Hindi na rin daw siya naiilang na magsuot ng skimpy swimming trunks dahil nasubukan na niyang mag-pictorial na underwear lang ang suot niya.



"Nasubukan ko na kasi ang mag-pose sa X-Ray magazine na underwear lang ang suot ko. Okay lang kasi lalake naman ako. And if you have the body, why not show it? Para makita ng marami na you have a healthy lifestyle," sabi ni Arthur sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Although pinsang buo niya si Dingdong, gusto raw ni Arthur magkaroon ng sarili niyang identity. Gusto niyang makilala because of his own talent at hindi dahil kamag-anak niya si Dingdong.



"I owe Dingdong a lot kasi he's been very supportive sa akin. I worked with him in so many projects, like Encantadia, Etheria, Eternity, and Atlantika. Noong malaman niyang kinukuha ako for other projects na hindi naman siya kasama, he gave me his approval. I should go for it daw para sa career ko," kuwento ni Arthur.



"So far, I'm doing okay sa TV. Pangalawang Daisy Siete ko na ito and masarap katrabaho ang SexBomb Girls. Mga sexy at magaganda kasi sila, plus masarap silang katrabaho kaya enjoy kami parati sa set."



Six months na pala ang relasyon nina Arthur at Jaja, ang isa sa Jaboom twins. Wala naman daw silang problema sa ngayon dahil open ang communication nila parati kahit busy silang pareho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN