Regine and Ogie movie starts shooting in October


Regine Velasquez and Ogie Alcasid, who were first paired in Captain Barbell, start shooting their second movie in October. The film, to be produced by GMA Films, will be directed by Dominic Zapata.



Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sa October na sisimulan ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid para sa GMA Films. Ito bale ang second movie ni Regine this year, matapos ang Paano Kita Iibigin nila ni Piolo Pascual for Star Cinema and Viva Films. First movie naman ito ni Ogie this year.



Si Dominic Zapata ang magdidirek ng wala pang title na pelikula. Mismong sina Regine at Ogie raw ang nag-request na si Dominic ang magdirek ng kanilang movie. By October, tapos na ang Super Twins at makakapag-concentrate na si Direk Dominic sa Regine-Ogie movie, unless bigyan siya ng bagong project ng GMA-7 na, ganunpaman, ay magagawa niya nang sabay.



Unang in-offer ng GMA Films ang pelikula kay Lino Cayetano. Pero bago pa man magkasarahan ng usapan, in-exclusive contract na si Direk Lino ng Star Cinema. Sa kanya ibinigay ang next movie nina Kim Chiu at Gerald Anderson, na nagsimula na rin ang shooting.



Sa University of the Philippines (UP) ang major location ng Regine-Ogie movie dahil magsisilbi itong centennial film ng naturang unibersidad. Bagay sana kay Direk Lino ang project dahil graduate siya ng UP.

Ang Regine-Ogie movie ang unang nabalitang gagawin nina Jasmine Trias, Rainier Castillo, Marky Cielo, Glaiza de Castro, at Yasmien Kurdi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN