Kris Aquino to meet the press at her brother's presscon


Just four days after checking out of the hospital with her newborn son, James Yap Jr., Kris Aquino is expected to attend her brother's, Noynoy Aquino's, press conference tonight. The press conference, given by Mother Lily Monteverde, will be Kris's first meeting with the entertainment press after giving birth.



Bibigyan ng grand press con ni Mother Lily Monteverde ang senatorial candidate na si Congressman Noynoy Aquino mamayang gabi, May 3, sa Imperial Palace Suites, na pag-aari ng Regal matriarch.



Inaasahang darating sa kauna-unahan niyang pakikiharap sa entertainment press ang bunsong kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino, na kasisilang lang ng unang anak nila ni James Yap, si baby James. Bukod kay Kris, expected din daw ang presence ni former President Cory Aquino and the rest of the Aquino family.



Sa pagharap ni Kris sa entertainment press, maaaring isa-isang sagutin ni Kris ang detalye sa kanyang panganganak at estado ng pagsasama nila ng mister niyang si James.

Naging usap-usapan kamakailan ang hindi pagsundo ni James sa kanyang mag-ina nang lumabas ang mga ito sa Makati Medical Center noong April 29. Nagkataon kasing nasa Baguio si James noong araw na yun para sa All-Star game ng Philippine Basketball Association (PBA).



Samantala, hindi pa man ay may nakaabang ng product endorsement kay baby James mula sa isang sikat na brand ng diaper.



Sa ngayon, hinahanda na ni Kris ang magaganap na binyagan for baby James. Kinakausap na nina Kris at James ang magiging godparents ng kanilang first child. Magaganap ang binyag ni baby James sa May 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN