Christian Bautista sizes up the competition


"Competition is always good kasi whether or not nagli-lead ka or siya, kailangan iangat mo yung sarili mo para mapantayan," says Christian Bautista (center) about being compared to Gian Magdangal (left) and Erik Santos (right).



Pinagtatapat ngayon sina Christian Bautista at Gian Magdangal. Bukod sa pareho silang produkto ng singing contests—si Christian ay finalist sa Star In A Million samantalang si Gian ay runner-up sa Philippine Idol—pareho rin silang may background sa theater. Idagdag pa rito na magkatapat ang kinabibilangan nilang mga programa, si Christian ay nasa ASAP '07 ng ABS-CBN at si Gian naman ay bahagi na ng SOP sa GMA-7.

Nang matiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Christian, hiningan namin siya ng komento sa sabi-sabing, after him, si Gian na raw ang "next big thing" among the current crop of young male singers. Ikinukunsidera ba niyang threat si Gian?

"Actually, madalas kaming mag-work before ni Gian. Kasi under Stages din siya before, ngayon hindi na, e," panimula ni Christian.

"I'm happy for Gian na nasa SOP na siya. Nagkita nga kami nung MYX event, and inalala namin yung mga ginagawa namin before, na magkasama pa kami sa trabaho. Isa pa, si Gian is really more of a pop singer, magaling siyang sumayaw also. I guess, I can say also na he has more experience than me because nag-start na siya with 17:28 [a boy band] pa, e, before pa.

"Kung magiging competition siya, e, di good. Competition is always good kasi whether or not nagli-lead ka or siya, kailangan iangat mo yung sarili mo para mapantayan. So okay lang yun," paliwanag ni Christian.

Nang banggitin naman namin ang obserbasyon ng ilan na napag-iwanan na niya ang ka-batch niya at ultimate winner sa Star In A Million na si Erik Santos, sinabi ni Christian na iba lang ang direksiyon ng career niya at iba rin ang pagpapatakbo ng career ni Erik.

Inamin pa ni Christian na napag-uusapan nila ito ni Erik. Tinatanong din daw niya si Erik kung bakit hindi pa siya nagte-teleserye at nagpe-pelikula. Matatandaang nakasama na si Christian sa fantaserye na Kampanerang Kuba at sa pelikulang Mano Po 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ang direksiyon yata sa kanya is huwag daw muna. Parang singer muna siya sa ngayon," sabi ni Christian.

Sinabi pa ni Christian na kahit alam nila ni Erik na may rivalry sa pagitan nila, tanggap nilang pareho yun at hindi raw iyon makakasira sa friendship nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN