Shaina Magdayao admits crush on Richard Gutierrez


"Maputi kasi at matangkad, saka guwapo," answers Shaina Magdayao, when asked about the qualities she likes in her crush, Richard Gutierrez.



Sa daily morning show na Homeboy ng ABS-CBN ay inamin ng young actress na si Shaina Magdayao na matagal na niyang crush ang young actor na si Richard Gutierrez. Naganap ang nasabing pag-amin ni Shaina noong Labor Day, May 1.

Kinahapunan of the same day ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Shaina sa lobby ng ABS-CBN. Kinumpirma namin sa kanya kung totoo ngang crush niya si Richard.

Namula ang mga pisngi ni Shaina at nakiusap na huwag daw naming iparating kay Richard. Sabi namin, hindi na namin kailangang iparating kay Richard dahil tiyak na alam na nito dahil sa national television lang naman niya inamin.

"Nakakahiya naman!" namimilipit na sabi ni Shaina.

Nahihiya man siya ay sinagot na rin niya ang iba pang mga tanong ng PEP.



Bakit mo naman crush si Richard?



"Maputi kasi at matangkad, saka guwapo," sabi niya.



Kaya ba nababalitang gusto mo rin ang ka-loveteam mong si Rayver Cruz dahil may similarity ito kay Richard?



"Ang yaya ko po ang may gusto sa kanya [Rayver]!" natatawa niyang sagot.



Ayon pa sa nakababatang kapatid ni Vina Morales, napapanood lang daw niya si Richard sa mga TV shows nito at nagkikita lang sila tuwing may Bench fashion show. Wala rin daw silang communication dahil hindi nila alam ang kani-kanilang contact numbers. Bukod pa rito, magkaiba sila ng TV networks na pinagtatrabahuan: si Shaina ay nasa ABS-CBN, samantalang taga-GMA-7 naman ang younger brother ni Ruffa Gutierrez-Bektas.

Paano kung isang araw ay harapin ka ni Richard at kumpirmahin kung totoong crush mo nga siya?



"Ay, naku! Ewan ko. Nakakahiya!" lalo itong namula sa pagsagot.

Pinangarap mo bang magkakatambal kayo sa isang pelikula?



"Naku, imposible 'ata. Parang di puwede dahil taga-Kapamilya ako at Kapuso naman siya," sabi niya.

Bago sumakay si Shaina sa sundo nitong van ay sinabi namin sa kanya na hayaan ang Regal Films ang gumawa ng paraan para magkasama sila sa pelikula. Dahil pareho naman silang contract artists ng naturang movie outfit, hindi imposibleng magtagpo ang kanilang landas sa mga susunod na pelikula ng Regal. Let Mother Lily Monteverde do the magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN