"Maalaala Mo Kaya" celebrates its 16th anniversary


Maalaala Mo Kaya, the longest-running drama anthology on Philippine television, celebrates its 16th anniversary with four special episodes to be shown this month. The ABS-CBN drama show is hosted by Ms. Charo Santos-Concio.



Ipinagdiriwang ng longest-running at award-winning drama anthology on Philippine television na Maalaala Mo Kaya (MMK) ang 16th anniversary nito. Bahagi ng selebrasyon ng programa na hinu-host ni Ms. Charo Santos ang apat na special episodes na mapapanood sa buong buwan ng Mayo sa ABS-CBN, simula mamayang gabi, May 4.



Ang real-life story ng champion boxer na si Rey "Boom Noom" Bautista, na gagampanan ni John Prats, sa direksyon ni Nuel Naval, ang unang mapapanood mamayang gabi.

Umani naman ng palakpak ang ipinakitang trailer ng susunod na episode. Ito ay tungkol sa isang ina na may tatlong baliw na anak, starring award-winning actress Gina Pareño, with Lotlot de Leon, Jhong Hilario, and Sid Lucero. Ito ay mula sa direksiyon ng mahusay na direktor na si Jeffrey Jeturian (Pila Balde).



Ang pangatlo ay pagbibidahan ni Chin-Chin Gutierrez at ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Ang huling episode ay tatampukan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, na kinunan pa sa loob ng Star Cruise, sa direksiyon ni Gilbert Perez.



Sa press con ng MMK kahapon, May 3, inamin ni Ms. Charo na nami-miss din niya ang pag-arte. Sa mga hindi nakakaalam, bago pa man naging executive ng ABS-CBN si Ms. Charo ay nakilala na siya bilang isa sa pinakamahusay na aktres ng bansa.

Sa katunayan, iginawad sa kanya ang Asia's Best Actress noong 1976 para sa pagganap niya sa Itim ni Mike de Leon. Ang iba pa niyang memorable films ay High School Circa '65, Durugin si Totoy Bato, Alamat ni Julian Makabayan, Aguila, Kakabakaba Ka Ba?, Brutal, Kisapmata, Hindi Mo Ako Kayang Tapakan, at Gumapang Ka Sa Lusak.

Gustung-gusto raw ni Ms. Charo ang role ni Gina Pareño sa isa sa mga anniversary episodes ng MMK. Never pa rin daw niyang nagampanan ang role na ginawa ni Lorna Tolentino bilang bulag sa episode last week ng MMK. Type din daw niya ang role ng Oscar-winning actress na si Meryl Streep sa The Devil Wears Prada. Pero sa ngayon, alam daw ni Charo ang kanyang priorities, at yun ay bilang Senior Vice-President for Entertainment ng sinasabing pinakamalaking network sa bansa, ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi napigilang maluha ni Charo habang nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga manonood at press sa kanyang programa.



"Ayaw ‘to ni Meryl Streep!" pabirong sabi niya habang pinupunasan ang kanyang luha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN