Mark Bautista still shy about his sex-symbol status


"Hindi kasi ako sanay na masabihan ng ganyan kaya parang hiyang-hiya ako," says Mark Bautista about being considered a sex symbol.



Nangingiti lang si Mark Bautista kapag may nagsasabi sa kanya na among the male singers ngayon ay siya ang may pinakamalakas na sex appeal. Ayon kay Mark, parang nahihiya siya tuwing may nagsasabing sexy siya.



"Hindi kasi ako sanay na masabihan ng ganyan kaya parang hiyang-hiya ako," sabi ni Mark. "Before naman kasi, ang payat-payat ko, di ba? Walang porma ang katawan ko kaya parang nadadala ko pa rin yun. Hindi kasi ako aware na ganito na pala ang built ng body ko kaya sinasanay ko pa ang sarili ko."



Sa bagong album ni Mark na Every Now And Then, sexy na naman ang image na ipinapakita ni Mark. Pero mas tame na raw ito kumpara sa second album niya, kung saan may sexy music video pa siya with Vanna Garcia.



"May music video din ako sa third album ko, with Kat Alano naman. Pero di na kasing-sexy nung kay Vanna, na ipinakita ang hubad na upper body ko. Dito naman, wet look ako!" sabay tawa ni Mark.



"Oo nga," patuloy niya. "Nasa swimming pool kami ni Kat at nag-shoot kami ng video underwater. Naghubad ako pero hanggang shoulders lang ang makikita nila sa akin. Hindi na yung full upper body ko."



Ipinagdadamot na ba ni Mark ang sexy niyang katawan?



"Noong gawin namin yung music video ng ‘You Play The Game' with Vanna," paliwanag ng binata, "hindi ko alam na sobra palang sexy ang dating. Kahit nga yung mga taga-Viva ay medyo nagulat din kasi parang sex symbol na raw ang dating ko. Though it was okay, pero nalalayo tuloy sa image ko as a singer.



"Dito sa new album, hindi kami masyadong nag-focus on my physical side. More on the music talaga. Kasi nga, nagpakita na ako ng upper body ko, ano na ang susunod, di ba? Para kasing naitodo na namin doon sa previous album. E, hindi naman ako packaged as a sex symbol. Pero I appreciate yung mga positive comments nila sa akin. Mahirap din kasi mag-maintain ng magandang physique."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Isang reason kung bakit hindi na tinanggap ni Mark ang ma-feature siya sa cover ng X-Ray magazine ay dahil sobra raw ang pagpapa-sexy na ipinapagawa sa kanya.



"Akala kasi namin ay hanggang boxer shorts lang or jeans, pero kailangan pala underwear ang isuot. E, pang-cover daw kaya umayaw na ako. I will feel awkward lang kasi hindi naman ‘yan ang packaging ko. Naintindihan naman ako ng management ko kasi nga it's too daring for me," sabi ni Mark.



Anyway, dream ni Mark na magkaroon na siya ng Platinum Record Award. Sana raw sa bagong album niya ay matupad na ito.



Ang carrier single ng bagong album ni Mark ay ang Angela Bofill revival na "Break It To Me Gently."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN