Irish Fullerton asking Alfie Lorenzo to manage her?


A report reached PEP saying that Pinoy Dream Academy scholar Irish Fullerton (in photo) has asked Alfie Lorenzo, Judy Ann Santos's manager, to manage her.


Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng unconfirmed report na lumapit daw si Irish Fullerton sa manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo para magpa-manage dito. Sanhi na rin siguro ito sa kaguluhang nangyayari ngayon sa Pinoy Dream Academy (PDA) scholars, na ang balitang pinaka-promotor ay si Irish.

Habang nasa US sila para sa kanilang concert tour doon, si Irish daw ang nag-suggest sa iba nilang kasamahan na sina Jay-R Siaboc, Chad Peralta, at Panky Trinidad, na ipagpaliban na lang ang pagdi-Disneyland dahil hindi na raw sila bata at imbes mag-tour sila na siya ang guide.

Si Irish din ang sinasabing nagdala ng inumin sa kuwarto nila sa hotel na tinutuluyan.

Nakita ng PEP si Tito Alfie sa press con na ibinigay ni Mother Lily Monteverde for senatorial candidate Noynoy Aquino kagabi, May 3, sa Imperial Palace Suites, at ito agad ang tinanong namin sa kanya.

"Hindi totoo," sabi ni Alfie. "Kaibigan ko ang nanay niya at napag-usapan namin ito, pero hindi sila lumapit para i-manage ko si Irish. Kinausap na nga rin ako ng ABS tungkol dito, so sabi ko, ‘Saan nanggaling yang balitang yan?'"

If asked, hindi rin naman daw tatanggapin ni Tito Alfie si Irish bilang talent niya.

"At this point, tapos na ako sa kaka-abono sa talent, ‘no!" sabi ng prankang veteran talent manager.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN