Kris Aquino to James Yap: "Parang mahal na kita ulit."


Kris Aquino will be back on television by June 4 for Kapamilya Deal or No Deal. She also says she may not come back to one of her other shows. Kris explains, "Sa kagustuhan ko po talaga na magbigay ng adequate na panahon sa baby ko, sa asawa ko, at kay Josh."


Masaya at maaliwalas ang mukha ni Kris Aquino nang makapanayam siya ni Korina Sanchez para sa late-night newscast ng ABS-CBN na Bandila kagabi, May 3.

Unang hiningan ng update si Kris tungkol sa kanyang kalusugan. Sa ngayon, mabuti na raw diumano ang kalagayan niya at ng unang anak niya kay James Yap na si baby James.

Muli ring binalikan ng TV host-actress ang mga naging karanasan niya ilang araw matapos ang kanyang panganganak kay Baby James noong April 19.

Bukod sa pagdurugo sa kanyang lungs, nakaranas din daw si Kris ng pagdurugo sa kanyang tiyan sanhi ng masamang reaksyon sa mga gamot na itinuturok sa kanya.

"Doon 'yong time talaga na... Naalala ko I told James na magdasal kami ng rosary, nagdasal kami together. Tapos umiiyak na ako talaga kasi natatakot na ako dahil first time in my life na kinailangan ko ng [blood] transfusion," kuwento ni Kris.

Dagdag pa niya, "Inoperahan ako ulit para itigil 'yong pagdugo dito sa tiyan. And then, siyempre in a span of four days, dalawang operasyon ang pinagdaanan [ko].

"Alam mo 'yong mga morbid na thoughts pumapasok pala sa utak mo: ‘Paano kung mas lumala? My baby will never know me.' Yung mga ganun. Tapos sabi ko, ‘Naku, si Josh, sino na ang mag-aalaga? Si Mom [Cory Aquino] na lang siguro.'"

Sa kabila ng mga ito, naging maayos naman ang naging kalagayan ng mag-inang Yap matapos manatili sa Makati Medical Center ng sampung araw. At noong Abril 29 ay inabangan nga ng media at ng madla ang kanilang paglabas sa hospital.

Isang magandang balita tungkol kay Baby James ang ibinigay ni Kris sa panayam ng Bandila. Ayon sa kanya, "Nag-gain na siya ng weight. When we went home, he was 3.7 [pounds], I think itong Sunday, tapos today 4.6 [pounds] na."

Samantala, hindi rin naiwasan na maitanong ang kasalukuyang kalagayan nila ng kanyang asawang si James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Kris, nasa proseso pa rin siya ng pagpapatawad kay James. Matatandaan na mahigit isang buwan bago manganak si Kris ay dumaan sa matinding krisis ang mag-asawa. Lumabas sa mga balita ang isang babae na nagngangalang Hope Centeno, na nagsabing nagkaroon sila ng relasyon ni James.

Unti-unti na itong natatabunan sa isip ni Kris, lalo pa't naging maging maganda ang ipinakita ni James noong nasa ospital ang asawa. Pahayag ni Kris, "Alam mo, it's a process talaga. Pero ang masasabi ko kasi was that, at the worst crisis, he was really there."

Napaiyak pa ang aktres nang magpaliwanag siya sa Bandila. Aniya, "Kasi matindi yong pinagdaanan namin talaga. Pero siguro yong time talaga na that I was not well and 'yong sa hospital, doon ko talaga nakita kung gaano din siya nag-worry. Tapos lahat ng tests talaga binantayan niya, lahat ng mga exam, lahat ng mga ano he was really there.

"Siguro parang—for all the times na prior to that giving birth, na nag-away kami, na talagang siguro parang susuko kaming dalawa—noong kinailangan talaga na solid kami, we were there for each other."

Nang tanungin kung hindi na "outside the kulambo" si James, natatawang sumagot si Kris, "Hindi. Nasabi ko nga, e, ‘Parang mahal na kita ulit.'"

Magbabalik sa telebisyon si Kris sa June 4 para sa Kapamilya Deal or No Deal. Ito pa lamang ang programang siguradong babalikan ni Kris at may isa pa siyang programa na diumano ay maaring hindi na niya muling balikan. Ang usap-usapan ay ang The Buzz ang programang ito.

Ayon sa kanya, "Yon na lang po muna [Kapamilya Deal or No Deal] sa kagustuhan ko po talaga na magbigay ng adequate na panahon sa baby ko, sa asawa ko at kay Josh."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN