Ryan Agoncillo not bothered by "STD" rumor


"Nung nakarating na sa akin ang balita na nasulat daw na ganoon nga, na may STD raw ako, ang initial reaction ko lang was ‘that's funny.' Sabi ko pa sa nagsabi sa akin, 'Huwag na lang pansinin. It's nothing to fret about,'" says Ryan Agoncillo.



Ramdam namin na gustung-gusto ni Ryan Agoncillo ang pagiging endorser ng men's apparel ng Boardwalk. Makikita na ang giant billboard ng boyfriend ni Judy Ann Santos para sa naturang men's apparel sa may bandang Nepa-Q Mart sa EDSA.



Siyempre, sa launching ng Boardwalk, ang naging topic of discussion ay ang kumalat na balitang STD (sexually transmitted disease) daw ang naging sakit niya kaya siya naospital a day before his birthday.

"It was a virus, close to tigdas-hangin ang manifestation niya," paglilinaw ni Ryan. "Other people get the lagnat kung magkaroon sila nito, pero walang rashes. Ako, nagkaroon ng rashes. Nasa middle of my taping [for the soap opera Ysabella] na ako nang mahalata na ito sa screen. Kaya sabi, pumunta na ako ng hospital to have it checked.



"Hindi naman ako nagpa-confine. Out-patient din. Although nung morning pa lang, meron nang lumalabas na mga rashes. Kung simpleng allergy lang ito, madali sanang nakuha had I taken lang an antihistamine. But airborne ang virus. Kaya nung birthday ko [April 10], na may asalto dapat sa set namin, ako ang hindi na nakarating.



"Si Juday naman, she developed an allergy, too. And on-and-off naman ang allergy niya due to stress. Kaya ngayon, allergic na siya to certain kinds of seafood."



Dagdag pa niya, "Nung nakarating na sa akin ang balita na nasulat daw na ganoon nga, na may STD raw ako, ang initial reaction ko lang was ‘that's funny.' Sabi ko pa sa nagsabi sa akin, 'Huwag na lang pansinin. It's nothing to fret about.'



"E, sabi nga nila, sa blind item daw ito lumabas, kaya bakit daw ako nagre-react. Nakausap ko rin naman yung sumulat. And he told me na it was e-mailed lang daw to him. So kung in-email lang sa kanya, isinulat pa rin niya?

"Actually, it was Tito Alfie [Lorenzo, Judy Ann's manager] who reacted. From my side, nobody reacted. Hindi ako ang nag-claim na ako yung nasulat. But Tito Alfie has his radio program and he can talk about anything he wants there. So, nag-react nga ang mga tao for me. And Juday was interviewed about it when she attended din the Sharon-Kiko wedding anniversary tendered by Mother Lily."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa punto ni Ryan, "I'm a media practitioner myself. I would rather not comment on something that's very impossible. And I don't apologize for something I didn't say. There are better things to read. We're all unaffected by it. Nagsasalita ako now because you are all asking me about it. I just know I had to say something about it.



"Kung sasabihin na hindi naman ako yung nasa blind item, or whatever now, then I would feel for that person being written about in that manner. So kung sinuman ang tinutukoy nung sumulat, then nasasaktan ako for that person.



"I know it's just gonna pass. I don't know if it can get any worse than this. I'm not bothered. I'm indifferent to whatever happened."



Does he plan to sue the person who started this rumor?



"Nah! Hassle lang ‘yan, e. Alam nyo naman objectives ng mga tao. Like I said, I consider myself a media practitioner at part of the media pa rin. Written and spoken, meron tayong responsibilidad. Kung magde-demanda, that's so pathetic," opinyon niya.



Ryan is looking forward to his trip with Juday to Tubbataha Reef in Palawan. Pagbalik na raw nila from their diving escapade sila sabay na magse-celebrate ng kanilang birthdays with their family and friends.

Ryan turned 28 last April 10. Judy Ann will turn 29 on May 11.



Juday gave Ryan another helmet for his birthday, except that this time, butterflies naman daw ang design.



Kuwento mismo ni Ryan, "Nung una, flowers, e. Sinu-surf ko lang sa Net yung nakita kong design. Before I knew it, na-order na pala niya ito from the US. She was able to get the code. And she gave me again new photo equipment."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN