Regine and Ogie still mum about their rumored relationship


Regine Velasquez tells the entertainment press to wait for the announcement of her rumored boyfriend, Ogie Alcasid, in June. Many speculate that Ogie's announcement has something to do with the true nature of his relationship with Regine and the real status of his marriage to former Miss Australia Michelle Van Eimeren.



A day before the launching of the book The Green Cross Saga by Mr. Gonzalo Co It, may-ari ng Gonzalo Laboratories, alam na ng entertainment press na kasama sa guest performers ang rumored couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Dumating nga sina Regine at Ogie, pero marami ang nagulat dahil hindi sila sabay dumating kahapon, May 4, sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Mas naunang dumating si Ogie at pagkatapos ng song number niya ay agad itong um-exit sa side entrance ng naturang ballroom. Hinabol ito ng ilang entertainment press, pero wala naman daw anumang shocking na pahayag si Ogie.

Nakaalis na si Ogie nang pumasok ang Asia's Songbird na dun din dumaan sa nilabasan ni Ogie. After ng number ni Regine, kung saan siya ang naging pang-finale, dali-dali rin siyang bumaba ng stage para umalis.

Naharang si Regine ng ilang entertainment writers at TV crew, pero tulad ng lagi nitong sinasabi, hintayin na lamang daw kung ano man ang announcement ni Ogie this June. Siya raw kasi ay walang ia-announce.

Matagal-tagal na rin kasing bali-balita ang diumano'y relasyon nina Ogie at Regine. Hindi man nila aminin ay marami ang naniniwala na totoong may namamagitan sa kanila. Ang hinihintay na lang ng media at ng kanilang fans ay ang kumpirmasyon mula sa kanila.

Nangako naman si Ogie na sa June ay may importante siyang announcement. Pero hangga't hindi pa dumarating ang araw na yun, patuloy pa rin ang hakahaka tungkol sa relasyon nila ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN