Rochelle Pangilinan, a problem on the set of "Daisy Siete"?


"Saan ka naman nakakita ng artistaing kailangang mag-emote ng malungkot and nire-require siyang umiyak sa eksena, ang hindi magawang umiyak? At ang tanging rason niya, e, dahil sa happy siya!" says a PEP source close to the SexBomb group about Rochelle Pangilinan.



Hindi kami makapaniwala sa nakarating sa aming balita na diumano'y nagiging malaking problema sa taping ng "Isla Chikita"—Daisy Siete's 15th season offering—ang SexBomb Girl na si Rochelle Pangilinan.



According to a PEP mole, who is very close to the SexBomb group, namumroblema na raw ang direktor ng Daisy Siete, na si Pat Perez, kay Rochelle. Bukod daw sa madalas na late si Rochelle sa set ay hirap din daw ito magbigay ng tamang emosyon sa mga eksena niya.

"Saan ka naman nakakita ng artistang kailangang mag-emote ng malungkot and nire-require siyang umiyak sa eksena, ang hindi magawang umiyak? At ang tanging rason niya, e, dahil sa happy siya!" says our source.



"Kung hindi nga lang nakapagsimula na sila ng taping, nakapag-press conference, at na-launch na and everything, baka magawan pa ng paraan para mag-rigodon na lang sa cast. Makakahanap pa ng puwedeng pumapel sa papel niya [Rochelle], hindi naman magiging mahirap siguro yun. Pero nahihirapan ang production sa kanya."



Sinubukan naming kunin ang panig ng SexBomb manager and Daisy Siete producer na si Joy Cancio tungkol sa nagiging asal diumano ni Rochelle these days. Hindi lamang sa set ng "Isla Chikita," na sa malalayong location pa nga raw isinasagawa, kundi pati na rin sa ibang commitments nito. Ngunit ayaw munang magbigay ng komento ni Joy tungkol sa kanyang alaga.



Kuwento pa ng aming source, "Every Saturday, may Aliwan, sort of Santacruzan sa harap ng Aliw Theater. And there was one Saturday na nakapag-commit na doon si Joy for Rochelle to be a sagala. Akalain mo ba namang 4 p.m. ang call time, e, mag-a-alas sais na nung dumating siya? E, since Sabado naman daw, 4:15 na siya umalis ng bahay niya. Na akala siguro, e, malapit lang ang bahay niya sa Roxas Boulevard.



"Isa pang instance, sa SOP the other Sunday. Dapat opening number siya at production number ‘yon para na rin sa promo ng Daisy Siete, at para rin sa kanya dahil nga may ilu-launch siyang album very soon. Marami ang nakakarinig na may tinatalakan sa phone niya si Joy. E, si Rochelle na lang naman ang wala sa mga kailangan para maisalang na ang number. Late na naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Actually, nakakaawa rin ang manager nilang si Joy. Kasi nga, kumbaga, iginagapang niya ang mga alaga niya, inaalagaang parang mga anak niya. But at some point, parang hindi nila [SexBomb] naa-appreciate ang pinaghihirapan ng mga tao para sa kanila.

"Nandun na tayo, na sooner or later, isa-isa ring magso-solo ang mga ‘yan. E, kaya nga eto na, o. Sa Daisy Siete pa lang, hinahasa na sila para solo-solong magdala ng programa para pagsalang naman nila sa ibang show, hindi naman sila nakakahiya. Tapos, binibigyan na nga sila ng show, nag-iinarte naman. Hindi ba nakakatawa yung hindi siya maiyak sa eksena dahil lang happy siya? Tumatanda ‘ata nang paurong ‘yang Rochelle na ‘yan, e!" nanggagalaiti pang sabi ng aming source.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN