The truth about the rumored reformatting of "Eat Bulaga!"


The talk going around is that Eat Bulaga!, the longest-running noontime showhosted by Vic Sotto and Joey de Leon (in photo), will undergo major reformatting because of tough competition from Wowowee. But an Eat Bulaga! insider says that most of the show's co-hosts will be retained.



Sunud-sunod ang balitang may major reformat na gagawin sa noontime show na Eat Bulaga! ng TAPE Inc. at GMA-7. This is in connection with the fact na madalas nang nauungusan ang Eat Bulaga! ng kalaban nitong show sa ABS-CBN, ang Wowowee.

Balitang may matatanggal sa mga regular co-hosts nina Joey de Leon and Vic Sotto. Katunayan nga, ang iba ay nawawala na.

Among those na hindi na napapanood sa Eat Bulaga! ay sina Julia Clarete, Ciara Sotto, Teri Onor, Anjo Yllana, at Sugar Mercado. Hindi na rin madalas mapanood si Pauleen Luna.

Sa mga naglalabasang pahulaan, balitang nasa cutting list din ang tatlong Mr. Pogi winners, si Ruby Rodriguez, sina Wally Bayola at Jose Manalo, and even si Toni Rose Gayda.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang Eat Bulaga! insider para magkalinawan.

Ayon sa Eat Bulaga! insider, si Julia ay wala dahil nasa maternity leave ito bilang paghahanda sa kanyang panganganak this week. Si Ciara ay wala dahil, gaya ng naibalita na rito sa PEP, she's trying her luck sa Las Vegas. Sina Teri at Anjo ay wala kasi parehong kumakandidato para sa May 14 election sa kani-kanilang mga lugar. Sina Sugar and Pauleen naman, busy raw sa pangangampanya sa mga kandidato nila.

Tanging ang Mr. Pogi winners lang ang maaalis, ayon sa aming source.

"Mr. Pogi's contract has expired and their exposure in Eat Bulaga! was part of their prize when they won," sabi sa amin ng EB insider. "Papuntang States naman si Ruby. Si Toni Rose, bakit nagka-issue? Walang katotohanan yun, same with Wally and Jose."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN