Annabelle Rama: "Ang hirap pala ng sabay na sabay iyong show ng mga anak ko!"


"Ang hirap, ha! Ang hirap pala ng ganoong sabay na sabay iyong show ng mga anak ko! Kaloka!" says Annabelle Rama about the Sunday shows of two of her kids—Ruffa's The Buzz on Channel 2 and Raymond's Showbiz Central on Channel 7.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang controversial celebrity mom na si Annabelle Rama kahapon, May 6, sa Imperial Palace Suites. Nandun si Annabelle upang suportahan ang kanyang kumare at senatorial candidate na si Nikki Coseteng, na binigyan ng press con ni Mother Lily Monteverde.

Kuwento ni Annabelle, mahirap daw pala na magkasabay ang programa ng kanyang mga anak dahil dala-dalawa ang pinapanood niya.



Ang panganay kasi ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez-Bektas ang pansamantalang pumalit kay Kris Aquino sa The Buzz ng ABS-CBN. Ang kakambal naman ni Richard na si Raymond Gutierrez ang isa sa hosts ng Showbiz Central ng GMA-7. Magkasabay ang timeslot ng dalawang showbiz talk shows every Sunday.

"Ang hirap, ha! Ang hirap pala ng ganoong sabay na sabay iyong show ng mga anak ko! Kaloka! Dalawa ang TV sa bahay. Isang maid namin, nire-record iyong The Buzz, iyong isa naman, ang nire-record iyong Showbiz Central!" natatawang kuwento ni Annabelle.



Kritiko rin daw si Annabelle ni Ruffa. Tulad na lang noong isang Sunday, tinawagan daw ni Annabelle ang anak at sinabing, "Ruffa, mataba ka sa damit mo!"



Very vocal din si Annabelle sa pagsasabing kung siya ang masusunod, ayaw na niyang bumalik ang panganay na anak sa Istanbul. Mas gusto niya raw talaga na nandirito sa Pilipinas si Ruffa at ang mga apo na sina Lorin at Venice.



Napag-alaman din ng PEP kay Annabelle na darating dapat kahapon sa bansa ang mister ni Ruffa na si Yilmaz Bektas. Hindi lang daw niya alam kung matutuloy at si Ruffa na lang daw ang tanungin.



"Sinabi ko kay Ruffa, prangkahin na niya ang asawa niya na hindi siya pupuwedeng sumama kung susunduin siya. 'Day, may kontrata siyang pinirmahan sa Philippines' Next Top Model, dapat tapusin niya muna iyon dahil one season iyon. Kung ako talaga ang tatanungin at kung ako ang masusunod, talagang ang gusto ko, si Ruffa, dito na lang siya mag-stay," diretsong pahayag ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN