PBB evictee Wendy Valdez admits feelings for Bruce Quebral


"He has to settle his issue with his girlfriend first kung paanong na-settle ko na yung akin. At gaya nga ng ibinulong niya sa akin before I got out of the house, if we're really meant for each other, then let it be and that I will wait for him," says Wendy Valdez (left) about Bruce Quebral.



Diretso nang tinuran ng latest evicted Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Wendy Valdez na may nararamdaman siyang pag-ibig sa kapwa niya housemate na si Bruce Quebral.

Sa mga panayam sa kanya simula nang siya'y lumabas sa Bahay ni Kuya ay natuon talaga ang isyu sa kakaibang emosyon at mga kilos nila ng naturang housemate.

Naging obvious nga ang lahat nang pansamantalang umalis si Bruce dahil sa naganap na swap between PBB at Slovenia Big Brother (SBB).

Marami ang mga bumatikos sa dating 2005 Bb. Pilipinas-Tourism at first runner-up, lalo na't pareho sila ni Bruce na may karelasyon bago sila pumasok sa PBB.

Pero sadyang malakas nga siguro ang atraksyon at hatak ng madalas na pagsasama at pag-uusap, lalo't sila-sila lang ng mga kapwa nila housemates ang nagkikita sa loob ng Bahay ni Kuya. Hindi maikukubli ang kanilang mga nararamdaman, at sa mga tagasubaybay ng programa, naging paborito ang kanilang loveteam.

Sa loob pa lang ng Bahay ni Kuya ay ibinuking na ni Wendy na talagang nasa separation stage na sila ng kanyang boyfriend dahil sa isyu ng pagtatago ng katotohanan sa kanya hinggil sa tunay na estado nito. Sa panig naman ni Bruce ay isang sulat lamang ang ibinigay sa kanya ng kanyang karelasyon sa labas at hanggang sa mga sandaling ito ay nananatiling lihim kung ano ang nilalaman nito.

Ngayong nasa labas na nga ng PBB si Wendy, tila nagpapatuloy ang kanilang pagtitinginan. Naging malaking issue ang paghahalikan nila nang lumabas na ang huli sa PBB. Very vocal na ngayong ipinapahayag ni Wendy na mahal na rin niya si Bruce kung paanong ipinagsisigawan ng binata ang kanyang nararamdaman dito.

Sabi ni Wendy sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), "Pero kailangan kong maghintay. He has to settle his issue with his girlfriend first kung paanong na-settle ko na yung akin. At gaya nga ng ibinulong niya sa akin before I got out of the house, if we're really meant for each other, then let it be and that I will wait for him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula nang lumabas si Wendy, naging busy na siya sa guestings niya sa ABS-CBN shows. Nag-umpisa siya sa The Buzz, Homeboy, Wazzup Wazzup, at iba pa. Next week ay mapapanood na siya sa noontime show na Wowowee every Monday, Wednesday, and Friday.

Nakatakda rin siyang maging cover ng isang men's magazine for its July issue. May balita pang siya ang planong kunin ng Warner Music para gawan ng isang album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN