John Estrada flashes dirty finger at GMA-7 news crew


Actor John Estrada was held at the airport of General Santos City after making a joke that he wasn't carrying a bomb in his bag. He also reportedly flashed a dirty finger at the crew of GMA-7 that took a footage of the airport incident.



Kahit nakapag-sorry na at tinanggap ang kanyang pagkakamali, tila nag-iwan naman ng isang pangit na impresyon ang aktor na si John Estrada sa mga taga-news department ng GMA-7 at sa mga nakakita ng kanyang inasal sa naturang network.

Nabalitaan natin ang pag-hold ng airport authorities kay John sa paliparan ng General Santos City last Monday, May 5, habang pauwi na ito sa Manila mula sa isang kampanya para sa kaibigan nitong si Manny Pacquiao, na tumatakbo bilang congressman sa naturang probinsiya.

Nagbiro kasi ang aktor na huwag nang inspeksyunin ang kanyang bag dahil wala naman itong laman na bomba. Ang nasabing biro ang nagbigay-hudyat sa mga awtoridad ng naturang airport upang siya'y pigilan at i-detain sa loob ng isang opisina for 30 minutes, para imbestigahan at kuwestyunin.

Mahigpit kasing pinaiiral sa lahat ng airport ngayon ang tight security, kasama na ang pagsalungat sa anumang bomb threat. Kaya't artista man o personalidad, biro man o hindi, kinakailangang managot ang nahuhuling pinagdududahan ang pagkatao.

Naayos naman ang lahat at inamin nga ni John na siya'y nagkamali sa kanyang pagbibiro. Sinabi pa ng aktor na ang best lesson na napulot niya sa naturang insidente ay ang biro ay hindi nakakatawa sa lahat ng tao at may tamang lugar para sa mga ito.

Pero may ilang nagpahayag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi nila matanggap na biro ang nasaksihang gesture ni John. Nginaratan or nag-dirty finger daw ito sa news crew ng GMA-7 na nakakuha ng footage ng pag-hold sa kanya sa GenSan airport.

Kaya't kahit na inamin na ng aktor ang kanyang pagkakamali sa birong ginawa tungkol sa bomba, bastos pa rin ang iniwan niyang imahe sa mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN