"Why not?" IC Mendoza answers when asked if he can fall for Rustom Padilla


"Why not?" was IC Mendoza's reply when asked if it's possible for him to fall in love with Rustom Padilla.



Piloto ang bagong inspirasyon ng showbiz columnist na si Dolly Anne Carvajal. Nanggaling ang impormasyon mula sa kanyang anak na si IC Mendoza.



Ikinuwento ni IC sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakilala ng kanyang ina ang piloto noong nagbakasyon sila sa Boracay. Nabigo man si IC sa foreign guy na nakilala niya sa Boracay, nagwagi naman daw ang ina nitong si Dolly Anne.



Madalas na pinagkukumpara ang mag-ina, pati na ang kanilang mga itsura. Kahit marami ang nagsasabi na mas maganda siya sa kanyang ina, sumasagot si IC na pareho silang maganda ni Dolly Anne.



Ikinukumpara rin si IC kay Rustom Padilla. Sa magkakaibang panahon, ang dalawa ay parehong lumantad sa publiko at umaming bakla sila. Pero ayon sa dating child star, malaki ang kanyang advantage kay Rustom. Pareho raw silang maganda ni Rustom, pero mas bata siya.



Posible ba na ma-in love si IC kay Rustom? "Why not?" ang kanyang sagot, dahil guwapo pa rin umano ang ex-husband ni Carmina Villarroel.



Kasama si IC sa cast ng My Kuya's Wedding, na pinagbibidahan ni Ryan Agoncillo at Maja Salvador. As usual, gay uli ang role na ginagampanan niya at, gaya ng dati, challenging daw ito para sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN