Malou Choa-Fagar clarifies rumors about "Eat Bulaga!"


"We will never deny na, yes, may mga days na talo kami at may mga daysna hindi naman. In this business, you cannot be complacent... angimportante, mayroon kaming loyal viewers na hindi umaaalis at lagikaming sinusuportahan," says Malou Choa-Fagar about the competition between Eat Bulaga! and Wowowee.



Matagal nang usap-usapan ang balitang pagre-reformat diumano ng noontime show ng TAPE Inc. at GMA-7 na Eat Bulaga!. Ito ay dahil sa madalas na raw itong nauungusan sa ratings ng kalaban nitong programa, ang Wowowee ng ABS-CBN.

Nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Eat Bulaga! last May 5 sa Broadway Centrum ay nakausap namin ang SVP at COO ng TAPE Inc. na si Malou Choa-Fagar. Hiningan namin siya agad ng reaksiyon tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa pagre-reformat ng Eat Bulaga!.



"We will always be a variety show. As in the past, we would continue to do improvements, changes within our show in order to satisfy the needs and best entertain our audience. It is a continuing effort on our part to improve the show as a commitment to our loyal viewers," panimulang pahayag ni Tita Malou.



Dagdag pa niya, "We will never deny na, yes, may mga days na talo kami at may mga days na hindi naman. In this business, you cannot be complacent. Kami, we're open to all opinions, on whatever decisions, kailangan yun. Sa amin kasi sa Eat Bulaga!, we just want to give entertainment. We just want them [televiewers] to enjoy the show each day. Saka ang importante, mayroon kaming loyal viewers na hindi umaaalis at lagi kaming sinusuportahan."

Lumitaw ang mga pangalan nina Ciara Sotto, Sugar Mercado, at ng Mr. Pogi winners na naalis daw sa pagre-reformat na ito ng EB. Ano ang totoo rito?



"Regarding Ciara, I cannot divulge, basta hindi namin siya tinanggal. Basta right now, she's out of the country. With Mr. Pogi naman, they're not really regulars of EB. The reason why they are in the show is because they were winners of our contest, and we just gave them the exposure. Sugar is busy campaigning right now," paliwanag ni Tita Malou. Naibalita rito sa PEP na kaya nawala sa Eat Bulaga! si Ciara ay dahil kinuha siya bilang entertainer sa isang bagong bukas na bar-restaurant sa Las Vegas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas din ang balita na tuluyan na raw aalisin sa noontime show ang EB Babes, samantalang babalik na nang tuluyan ang SexBomb Girls.

"That's not true," mariing tanggi ni Tita Malou. "Hindi naman sila [EB Babes] tatanggalin. What you see right now is what it is. SexBomb is twice a week, every Monday and Friday, and then the rest is EB Babes."

Samantala, sa guesting ni Sugar last Saturday sa Startalk ay umiiyak itong umamin na pinalayas siya sa tinutuluyang condo dahil hindi na raw siya nakakabayad sa monthly rental. Ano kayang tulong ang ginawa ni Tita Malou sa problemang kinahaharap ngayon ni Sugar, na nabalita pa noong mima-manage niya ang career?



"Let me clarify that I'm not managing her," paglilinaw ng lady executive. "Para lang siguro akong nanay-nanayan niya na lahat ng offers sa kanya, kinukonsulta niya sa akin.

"Marami kasi siyang tinutulungan," patuloy niya. "I guess mauubos at mauubos ang kinikita mo, kahit gaano karami pa, kung marami kang tinutulungan. It's nice of course that she's helping her family. Kaya lang siyempre, baka ‘yong family niya, masyadong extended kaya she's working too hard."

Nilinaw rin ni Tita Malou ang balitang siya ang naging tulay upang magkabati noon ang Eat Bulaga! co-hosts na sina Janno Gibbs at Galdys Guevarra, na ngayon ay mayroon na namang alitan. Sa ngayon ay bumalik na sa Eat Bulaga! si Gladys as semi-regular, samantalang si Janno naman ay hindi na rin gaanong napapanood dito.



"Wala akong involvement doon," sabi ni Tita Malou. "As manager of Janno, I only manage his career, I do not manage his private life. I wasn't even an instrument. Kung nagkabati man sila, it's on their own.

"Bago naman pumasok uli sa EB si Gladys, wala na si Janno because of Lupin. Saka Gladys is only handling 'Little Miss Philippines,' which is twice a week, like only for three months."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN