Jessica Rodriguez comments on Ruffa-Yilmaz separation


"I know for a fact that they still love each other, lalo na si Yilmaz samisis niya. Kaya, personally, hindi ako naniniwalang maghihiwalay sila.Hopefully, hindi kinu-close ni Ruffa ang heart niya sa tatay ng mgaanak niya," says Jessica Rodriguez about the separation of Ruffa Gutierrez and Yilmaz Bektas.



Bago pa raw siya maakusahang pakialamera, nilinaw ng talent manager and beauty expert na si Jessica Rodriguez na sinagot lang niya ang mga tanong sa kanya tungkol sa paghihiwalay ng kaibigan niyang si Ruffa Gutierrez at ng asawa nitong si Yilmaz Bektas.



PEP (Philippine Entertainment Portal) was able to talk to Jessica at the presentation of the Top 3 finalists of the one-of-a-kind beauty search, "Ms. Ugly (No More)" today, May 9. Ang nasabing search ay sponsored by Beverly Hills 6750, ang cosmetic surgery at skin institute na pag-aari ni Jessica at ng asawa nitong si David Buenavacz.



Two days before the joint statement of Ruffa and Yilmaz was disseminated sa media, nalaman na raw ni Jessica ang desisyon ni Ruffa na makipaghiwalay sa Turkish husband nito.



Kuwento ni Jessica, "Ruffa and I go to the same church, sa CCF [Christ's Commission Fellowship]. Every once in a while, nakakapag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay namin. Minsan, nasasabi niya rin ang mga nangyayari sa kanya, sa married life niya. Nakikinig naman ako.



"Pero gaya nga ng lagi ko ring sinasabi, hindi pakikialam yung sa akin dahil kami ang nag-uusap about it. Hindi lang ako, kahit ang iba pang mga kaibigan namin na hinihingan din naman siyempre niya ng opinyon. But I always say na, at the end of the day, ang mismong may katawan pa rin ang gagawa ng final decision niya with the things she wants to do with her life.



"Kung ako ang tatanungin, pro-marriage ako, e. Ang sinabi ko lang kay Ruffa, maaayos din ang lahat. Na baka naman they are just going through a phase na dinaraanan naman ng lahat ng nasa isang relasyon. Ang alam ko, hindi naman sila nawawalan ng communications ni Yilmaz. Kaya hindi ako nagulat doon sa balita na may statement na nga na maghihiwalay na sila. Ang alam ko kasi, before that happened, uuwi si Yilmaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit nga nasa church kami, tumatawag si Yilmaz kay Ruffa. I know for a fact that they still love each other, lalo na si Yilmaz sa misis niya. Kaya, personally, hindi ako naniniwalang maghihiwalay sila. Hopefully, hindi kinu-close ni Ruffa ang heart niya sa tatay ng mga anak niya. Even if we say it's over, mag-uusap at mag-uusap pa rin sila because of the kids," mahabang pahayag ni Jessica.



SEVEN-YEAR ITCH. At that point, sinabihan na si Jessica ng kanyang publicist na huwag nang magsalita pa tungkol sa issue about Ruffa dahil baka ma-misinterpret na naman siya. Kaya ang tungkol sa relasyon na lang nila ng kanyang mister na si David ang ipinakuwento namin kay Jessica.



"Hindi naman maiaalis sa amin na may mga times na nagkakagalit din kami," pag-amin niya. "Pero since the time na pareho na kaming uma-attend sa CCF, at inilagay na namin sa gitna ng buhay namin si Lord, mas gumanda pa ang takbo ng pagsasama namin.



"Kaya minsan, may mga problema, trials ‘yon, e. And if my friends come to me para magkaroon sila ng shoulder to cry on o kahit na listening ears lang, at magsasabi ng mga problema nila, I'm not one na magbi-blame na sa either party. May mga rason kung bakit nangyayari ang mga ganoong bagay," paliwanag niya.



Pitong taon na ang pagsasama nina Jessica at David. Hindi ba nila na-experience ang sinasabing "seven-year itch"?



"No," sagot niya. "It grew stronger pa nga. You cannot survive your marriage without God in your life. Kaya after namin mag-Bible study ni David, yayakapin ko lang ‘yan nang mahigpit. At ang isang natutunan ko at nagpabago sa akin, a wife should be submissive to her husband. You give what your husband needs.



"Ano ba ako dati? Napakaselosa ko. At pag galit ako, nambabato talaga ako. Ngayon, hindi na nangyayari ‘yon kasi, I am secure. Alam ko na David and I love each other so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang kausap si Jessica ay hindi namin napigilang mamangha sa suot niyang South African aquamarine ring and pendant. Ayon kay Jessica, birthday gift daw sa kanya yun ni David this year. Last year daw, isang BMW 5 series ang regalo sa kanya ng mister niya.



Sabi ni Jessica, ganoon lang daw talaga mag-express na pagmamahal niya si David, a former athlete. But with the kind of life that they have now, mas naging domesticated na rin sila. Mag-happening man, gaya ng nagdaang birthday ni Jessica where David surprised her with jewelry, she opted to celebrate it sa Four Seasons Hotel sa Hong Kong with David and their kids.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN