Angel Locsin says Marvin Agustin and Paolo Paraiso are not courting her


Young actress Angel Locsin is endorsing two senatorial candidates—Manny Villar and Koko Pimentel—and rumor has it that her house and lot in Tagaytay and her brand new Hummer came from her endorsements. But the young actress swears "pera ko po ang ibinili ko doon."



Mariing pinabulaanan ng young actress na si Angel Locsin ang balitang galing sa pag-iindorso niya sa mga kandidato ang bahay at lupa niya at ang bago niyang sasakyan. Ayon kasi sa balita ay galing kay Senator Manny Villar ang kanyang house and lot sa Crown Asia, Tagaytay, samantalang galing naman daw kay Koko Pimentel, anak ni Senator Nene Pimentel, ang sasakyan niyang Hummer.

"Naku, hindi po, pera ko po ang ibinili ko doon!" mariin niyang tugon sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Iyon pong sa Tagaytay, malaki lang ang discount na ibinigay nila sa akin. Iyong Hummer ko po, hindi po naman sa pagmamalaki, may 14 endorsements po ako ngayon at may coming pang dalawa. Plus, iyong mga dati ko nang endorsements na hindi na nag-renew, may pelikula at TV shows pa ako. Pinaghirapan ko po talaga ang pagbili sa mga bagay na gusto ko," paliwanag ng young actress.

Hindi kaya siya habulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil dito?

"Honest po ako sa BIR!" mabilis niyang tugon. "Wala po akong itinatago dahil ayokong ako rin ang mahirapan sa bandang huli."

Nang biruin namin si Angel na siya na ang bagong Commercial Queen dahil sa dami ng kanyang endorsements, tumawa lang ang young actress at sinabing si Sharon Cuneta pa rin daw ang may karapatan sa titulong ‘yon.

Kapansin-pansin ang pagiging blooming ngayon ni Angel. In love ba ngayon ang dalaga? Totoo ba ang pagli-link sa kanya kina Marvin Agustin at Paolo Paraiso?

"Wala po, masaya lang ako," natatawa niyang sabi. "Hindi po totoo iyong kay Marvin, hindi po siya talaga nanliligaw. Siguro po, hindi pa kami parehong ready na magkaroon ng bagong relasyon. Si Paolo po, naging close lang kami sa shooting ng Angels, pero wala po talaga, hindi po siya nanliligaw."

Ayon pa kay Angel, wala raw talagang nanliligaw sa kanya ngayon. Although may mga nagpapa-cute daw, hindi naman daw ito pinapansin ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung hindi totoo iyong kina Marvin at Paolo, bakit parang worried ang dati niyang boyfriend na si Oyo Sotto?

"Hanggang ngayon po naman, sobrang protective sa akin si Oyo. Madalas pa rin naman kaming nagkakausap sa cell phone. Saka ayoko po muna talagang pumasok sa isang serious relationship," paliwanag ni Angel.

Nag-react ba siya nang tawagin siyang "that girl" ng ina ni Oyo na si Dina Bonnevie sa isang interview matapos nilang mag-break ni Oyo?

"Hindi po ako nag-react kung nasabi man niya ‘yon. Napakabait po kasi sa akin ni Ms. D," matipid niyang tugon.

Sa May 21, paalis si Angel kasama sina Marvin, Robin Padilla, at Diana Zubiri patungong Macau at Beijing sa China para sa taping ng Asian Treasures, na magtatapos na sa June 15. Balita ng PEP ay hindi na telefantasya kundi isang straight drama ang susunod na project ni Angel sa GMA-7.

Ibinulong ng PEP kay Angel ang nabalitaan naming magiging leading man sa next project niya. Nagulat si Angel at sinabing, "Talaga po? Oo nga, hindi ko pa siya talaga nakakatrabaho. Pero mami-miss ko rin po ang action scenes kapag straight drama na ang ginawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN