Prince Stefan is not yet courting Lovi Poe


"We're texting po, pero hindi pa talaga ako nanliligaw. Siyempre gustoko muna siyang makilala nang mabuti at maging close kami," says Prince Stefan about Lovi Poe.



Parehong umamin sina Lovi Poe at Prince Stefan na hindi pa sila nagkakaligawan.

Sabi ni Lovi, Prince is just a friend at hindi pa naman ito nagpaparamdam sa kanya. Ayon naman sa text ni Prince sa PEP (Philippine Entertainment Portal) when we asked him kung nanliligaw na nga siya kay Lovi, hindi rin daw.

"We're texting po, pero hindi pa talaga ako nanliligaw. Siyempre gusto ko muna siyang makilala nang mabuti at maging close kami," sabi ni Prince.

Still, with their closeness, lalo pa't madalas na silang magkasama ngayon sa SOP, may fan club nang binuo para sa kanila at nabigyan na sila ng loveteam name—Lonyx. Lonyx stands for Lovi and Onyx, Prince's nickname.

Nasa StarStruck pa lang si Prince, tinanong ang young actor kung sino ang crush niya. Si Lovi ang isinagot niya. Sa first regular acting job ni Prince, ang "Maria Alimasag" episode ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang, sila ni Lovi ang pinag-partner at naging maganda ang feedback nito—not just sa fans but also sa ratings. Dito rin sila unang nagkakilala ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN