Jomari Yllana surprises Ara Mina on her birthday


Three years after their break-up, Ara Mina and Jomari Yllana are once again opening their lines of communication to each other. Ara celebrated her birthday today by joining her father's, Chuck Mathay, miting de avance, and she was surprised by Jomari with a song.



Nagwakas na ang pagha-hide and seek ng dating magkasintahang Ara Mina at Jomari Yllana.

Si Jomari ang surprise guest ni Ara sa miting de avance ng ama ng aktres na si Chuck Mathay, na tumatakbo bilang congressman sa 2nd district ng Quezon City. Ginanap ang nasabing miting de avance kaninang madaling-araw, May 10, sa Commission on Audit (COA) sa Commonwealth, Quezon City.

Kasabay ng pagdadala ng malaking cake para kay Ara ay ang pagsulpot ni Jomari na noo'y nagsisimula nang kumanta habang umaakyat ito ng entablado. Bagama't may idea na si Ara sa pagdating ni Jomari, hindi pa rin ito ganap na naniwala hanggang makumbinsi siya nang marinig ang boses ng dating kasintahan.

Pinangiliran ng luha sa kanyang mata si Ara habang kinakantahan siya ni Jomari ng "Ako'y Sa 'Yo." Humihiyaw ang mga tao sa mistulang paghaharana ni Jomari kay Ara.

Panay ang sabi ni Ara na hindi niya inaasahan ang pagdating ng kanyang ex-boyfriend.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jomari, ikinuwento niyang ito pa lamang ang ikalawang pagkikita nila ni Ara after nilang maghiwalay three years ago. Una silang nagkita ni Ara sa kampanya ng kapatid ni Jomari na si Anjo Yllana, na tumakbo namang vice-mayor sa ParaƱaque.

Ayon kay Jomari, ibinabalik lang niya ang pabor na hiningi nito kay Ara. Nang pakiusapan daw kasi niya ang dating kasintahan na sumulpot sa kampanya ni Anjo, hindi nagdalawang-isip Ara at sumipot ito.

Nang malaman ni Jomari na may miting de avance ang ama ni Ara, hindi rin ito nagdalawang-isip na pumunta sa programa. Nataon pang birthday celebration ito ng aktres kaya double purpose daw ang pagpunta niya.

Nilinaw ni Jomari na ang pagsulpot niya sa miting de avance ay para suportahan ang kandidatura ng ama ni Ara, at hindi para suyuin ulit ang ex-girlfriend.

Sinabi ni Jomari na maligaya pa rin silang magkasama ng present girlfriend niyang si Pops Fernandez. Si Ara naman ay kagagaling sa break-up with Polo Ravales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Jomari patungkol sa ginawa nitong pagsipot sa selebrasyon ni Ara, "ang magkakaibigan ay laging nagtutulungan."

Samantala, ipinagpapasalamat ni Ara ang pagsipot ni Jomari sa miting de avance cum birthday party niya.

Hindi direkta ang imbitasyon ni Ara kay Jomari na suportahan ang kanyang ama. Ang imbitasyon ay para rin sa kanyang mga kaibigang sina Rochelle Barrameda at Nadia Montenegro, na tumatakbong congresswoman sa Caloocan City. Ang sabi lang ni Ara, kung may panahon lang ang mga ito, sana ay dumaan sila sa miting de avance ng ama.

Hindi inaasahan ni Ara na ibabalik ni Jomari ang pabor na ibinigay niya para kay Anjo.

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit or whatever. Kaibigan ko rin naman si Anjo. At siyempre, kaming magkakaibigan sa showbiz, dapat lang na nagtutulungan.

"Akala ko nga, hindi sila makakarating. Kasi matatapos na yung programa, wala pa si Jomari. So, nong ipakilala na siya at nag-play na yung music niya, doon lang ako naniniwala," kuwento ni Ara.

Nilinaw ni Ara na walang halong pulitika ang paglabas ni Jomari sa miting de avance ng kanyang ama. Nataon lang daw na bago naganap ang nasabing okasyon ay nagkausap sila ni Jomari. Pero ayon kay Ara, hindi pa rin daw sila nakakapag-usap o nakakapagkuwentuhan ni Jomari tungkol sa nangyari sa kanila. Lahat nga raw ng gustong sabihin ni Ara kay Jomari nang maghiwalay sila ay nawala lahat at hindi na sila bumalik pa sa dating issue.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN