Talent manager and publicist Joey Diego commits suicide


Entertainment writer Joey Diego was found dead this morning at his home in Quezon City. Joey was the talent manager of Biboy Ramirez and Kris Martinez and the publicist of Alfred Vargas (in photo, with Joey), Angelika dela Cruz, and Marvin Agustin.



Matinding pagkabigla ang nararamdaman ngayon ng entertainment press writers dahil sa pagpapatiwakal ng talent manager at entertainment writer na si Joey Diego. Natagpuan kaninang umaga, May 10, ang bangkay ni Joey sa kanyang inuupahan na townhouse sa Samar St., Quezon City.



Nagpatiwakal si Joey sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili. Isang nylon cord ang ginamit niya para wakasan ang kanyang buhay. Sa imbestigasyon ng mga pulis, lumunok din si Joey ng sleeping pills, paracetamol, at uminom ng alak bago nagpakamatay.



Nakunan ng footage ng isang TV network ang lifeless body ni Joey habang nakabitin ito, malapit sa hagdan ng kanyang bahay. Ayon sa isang nakapanood sa video, nakapatong pa ang isang paa ni Joey sa wood carving na tinungtungan bago niya binigti ang sarili.



Si Joey ang manager nina Biboy Ramirez, Kris Martinez, CJ Ramos, at Paulo Avelino. Siya rin ang publicist nina Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, at Alfred Vargas.



Natutulog pa si Alfred nang tawagan ito sa kanyang cellphone ng Startalk field reporter na si Gorgy Rula. Shocked na shocked at napaiyak si Alfred nang malaman nito ang nangyari sa kanyang kaibigan.



Kagagaling lamang ni Marvin mula sa taping ng Asian Treasures nang tawagan siya ng direktor na si Jerry Sineneng at sabihin nito ang pagpapatiwakal ni Joey. Nang makausap namin kanina si Marvin, gustung-gusto niya na puntahan ang kinaroonan ng bangkay ni Joey, pero pinayuhan namin siya na matulog na muna. Hindi rin makapaniwala si Marvin na magagawa ni Joey na patayin ang sarili.



Pera ang sinasabing dahilan ng pagpapakamatay ni Joey. Reportedly, sinisingil na diumano siya ng mga entertainment writers na nag-invest sa kanyang business venture.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN