Baron Geisler gets involved in drinking and stripping incident again


Less than a month ago, young actor Baron Geisler was rumored to have stripped inside a bar because of drunkenness. He admitted being drunk but denied the stripping incident. In another incident, the young actor admits that he stripped at a shower party but denies getting drunk.



Wala pang isang buwan ang nakararaan nang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang pagwawala diumano ni Baron Geisler sa isang bar. Ayon sa report, lasing na lasing ang young actor at nagsasayaw nang nakahubad. Although inamin ni Baron na nalasing siya noong gabing 'yon, mariin naman niyang pinabulaanan na nagsayaw siya at naghubad.

Ngayon, may kaparehong balita na naman na lumabas tungkol kay Baron. Ayon sa balita, nagwala diumano ang young actor sa isang kilalang hotel during a shower party. Ayon pa sa balita, dahil sa inasal ni Baron ay kinaladkad siya ng security guards palabas ng hotel.

Dagdag pa rito, nag-gatecrash lang diumano si Baron sa nasabing shower party. Lasing na lasing din daw si Baron that time, at sa matinding kalasingan ay walang pakundangan itong naghubo't hubad sa naturang party.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Baron ay ipinagtanggol niya ang kanyang sarili.

Ayon kay Baron, "Unang-una, kilala ko ‘yong mga tao sa party. Invited ako, hindi ako gatecrasher. Bakit naman ako magge-gatecrash? Nandoon ako dahil invited ako.

"Pangalawa, oo, nakainom ako noon, pero hindi ako lasing. Hindi totoong lasing na lasing ako. Konti lang ang nainom ko that night, kaya hindi totoong nagwala ako at kinaladkad ako ng mga guards. Walang nangyaring ganoon.

"Inaamin ko, ‘yong lumabas na kuwento na naghubad ako. Totoo ‘yon, naghubad talaga ako. Pero katuwaan lang ‘yon, stripping lang namin nung mga nasa party. Sila ‘yong nag-utos sa akin. Sabi nila, ‘Take it off, take it off!'

"Ako naman, since bridal shower ‘yon at lalaki naman ako, so parang pakikisama, hinubad ko ‘yong t-shirt ko. Pero mabilis lang ‘yon, isinuot ko naman agad. Tapos may kahoy na pinahawak nila sa akin na kunwari, ‘yon iyong ano ko. Pero katuwaan lang talaga, bridal shower nga kasi.

"Everything I did sa party na ‘yon, katuwaan lang at ipinagawa lang nila sa akin. Ako, since mga kaibigan ko naman sila at kilala ko, kaya ginawa ko," mahaba niyang paliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Baron na hindi siya alcoholic. Occasional lamang daw kung uminom siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN