Showbiz careers of Jay-R Siaboc and Chad Peralta hang in the balance


Star Records is reportedly pushing through with Chad Peralta's (right) debut album, while it is still uncertain if the record company will give Jay-R Siaboc a second album.


Pagkatapos patawan ng karampatang parusa ng Dream Big Productions (DBP) ang apat na Pinoy Dream Academy (PDA) scholars dahil sa inasal nila sa kanilang US concert tour, marami ang nagtatanong kung ano na ang kahihinatnan ng showbiz careers nina Chad Peralta, Panky Trinidad, Irish Fullerton, at Jay-R Siaboc.



Pansamantalang pinagpahinga ng DBP ang apat na PDA scholars at tuluyan nang tinanggal ang portion nila sa ASAP ‘07 na "By Request." Kasalukuyang nasa ibang bansa sina Chad at Irish, habang nasa Cebu naman sina Panky at Jay-R.

May nagsasabi na tuluyan nang mawawalan ng showbiz career ang apat pagkatapos pagpahingahin ng DBP. But according to a PEP source na konektado sa naturang production company, magbabalik sa Pilipinas si Chad. Itutuloy pa rin ng Star Records ang debut album ng Fil-Australian singer.

Bago nangyari ang insidente sa US ay nagawa munang tapusin ni Chad ang pagre-record ng kanyang album. Kung hindi magkakaaberya, nakatakdang i-launch ang album ni Chad under Star Records this month.



Nalungkot naman ang mukha ng aming source nang tanungin namin kung may plano pa ang Star Records kay Jay-R pagkatapos i-launch ng kanyang solo album. It seems that wala nang plano ang Star Records na i-push ang singing career ni Jay-R after the controversy.

Malaking kasiraan kasi sa image ng Cebuano singer ang misconduct na ginawa niya sa US. Bukod dito, na-disillusion na ang mga fans nila ni Yeng Constantino. Obvious na gimik nga lang ang pagli-link sa kanila ni Yeng dahil lumabas ang katotohanan na si Irish pala ang totoong girlfriend ni Jay-R.

Posible rin na alisin na si Jay-R sa uumpisahang bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Pangarap na Bituin, na pagbibidahan nina Sarah Geronimo, Jericho Rosales, Rica Peralejo, Maja Salvador, at Yeng. Magiging love triangle dapat dito sina Yeng, Jay-R, at Maja.

Tiyak na aabangan ng mga tagahanga ng mga sanctioned PDA scholars, lalo na sina Chad at Jay-R, kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila pagkatapos ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN