Solar Entertainment shows on RPN-9 go off-the-air next month?


According to a report, all shows produced by Solar Entertainment on RPN-9 will go off-the-air in June because of poor ratings and lack of advertisers. One of these shows is Philippines' Next Top Model, hosted by Ruffa Gutierrez (in photo), which have already taped all its episodes.



Nalugi ba ang Solar Entertainment sa mga ipinrodyus nitong shows sa RPN-9?


Isang mapagkakatiwalaang source, na konektado sa Solar, ang nagparating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na mawawala na sa ere ang lahat ng locally-produced primetime shows ng Solar sa susunod na buwan. Ito ay ang Kemis: Ke Misis Umaasa, Dalawang Tisoy, Sabi ni Nanay, Philippines' Next Top Model (PNTM), at ang showbiz talk show na Showbiz Ka.



Dagdag pa ng source, nahirapang kumuha ang kumpanya ng mga advertisers dahil sa malalaking teleserye ng ABS-CBN at GMA-7 ang kasabayan nila, kaya hindi gaanong nagre-rate ang mga shows nila.



Sa kaso ng PNTM, na hinu-host ni Ruffa Gutierrez, tapos na raw ang taping ng reality model search at ipalalabas na lang ang mga natitirang episodes nito.

Ang Showbiz Ka ay posibleng ibalik sa ere dahil ito lang naman daw ang kahit papaano ay nakakakuha ng suporta mula sa advertisers. Positibo rin daw ang feedback na nakukuha ng show.



Kung maglalabas ng official statement ang big boss ng Solar na si Mr. Wilson Tieng sa pangyayaring ito, hintayin na lang daw, huling sabi ng source.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN