Yeng Constantino vindicated from snubbing rumor


"Nakakalungkot nga na nangyari ‘yon sa kanila... Ipinagdarasal ko nga po na sana ay mabigyan pa sila ng isa pangpagkakataon dahil sayang naman iyong ibinuhos nilang panahon sa PDA," says Yeng Constantino about her fellow Pinoy Dream Academy scholars, who were sanctioned by Dream Big Productions.



Naabsuwelto ang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy (PDA) na si Yeng Constantino sa mga balitang nagmaldita at nagsungit siya sa mga fans sa US concert tour ng Top 6 PDA scholars last month.

Napatunayan na ang mga kasamahan niyang sina Irish Fullerton at Panky Trinidad pala ang hindi naging maganda ang pakikitungo sa fans nila sa US. Nagpasya ang kanilang talent management, ang Dream Big Productions, na bigyan ng kaukulang sanctions ang dalawang female PDA scholars, kasama sina Jay-R Siaboc at Chad Peralta.



Ayaw isipin ni Yeng na isa na siyang malaking star para pagtuunan ng pansin ng mga mahilig manira. Tahimik lang daw na tao si Yeng at hindi siya puwedeng maging mayabang at magmaldita.



"Maayos po akong pinalaki ng magulang ko," sabi ni Yeng. "Kahit na hindi kami lumaki sa yaman, ang pagiging mabait at pakikipagkawpa-tao ang unang itinuro sa aming magkakapatid. Nagpapasalamat ako sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin at sa talento ko."



Kinumusta rin namin kay Yeng ang apat na PDA scholars na binigyan ng parusa. Nakakausap pa ba niya ang mga ito?



"Opo naman," sagot niya. "May communication pa rin kaming lahat. Nakakalungkot nga na nangyari ‘yon sa kanila. Siguro nga para sa ikabubuti rin naming lahat ‘yon. Pero may chance pa naman yata sila ulit. Ipinagdarasal ko nga po na sana ay mabigyan pa sila ng isa pang pagkakataon dahil sayang naman iyong ibinuhos nilang panahon sa PDA."

Samantala, isang malaking tagumpay ang unang solo album ni Yeng, ang Salamat, sa ilalim ng Dream Music. Sa ngayon ay umabot na sa triple platinum status ang kanyang album at patuloy na pinapatugtog sa FM stations ang kanyang hit songs.



"Nakakagulat po kasi hindi ko po talaga inasahan na aabot sa ganitong status ang album ko. Tama na nga sa akin ‘yong may bumili at mapakinggan ang mga songs ko. Maraming, maraming salamat sa mga taong sumuporta sa unang album ko," masayang pahayag ni Yeng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa maikling panahon niya sa showbiz ay halos nalibot na ni Yeng ang buong Pilipinas sa dami ng solo shows at concerts kasama ang ibang PDA scholars. Maging sa Japan at US ay nakapag-concert na rin sila.



Maliban sa pag-awit ay balitang papasukin na rin ni Yeng ang daigdig ng pag-arte. Kasalukuyan nang inaayos ng ABS-CBN at Dream Big Productions ang unang teleseryeng tatampukan niya, ang Pangarap na Bituin. Makakasama niya rito sina Sarah Geronimo, Jericho Rosales, Rica Peralejo, at Maja Salvador. Kaya naman sa kabila ng kanyang busy schedule as a singer ay nag-a-acting workshop na rin si Yeng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN