The mystery behind Joey Diego's suicide


The death of Joey Diego left many questions that still puzzle his friends and colleagues. Before he committed suicide, Joey was reportedly involved in producing shows but he never wrote anything about these shows in his columns.



Maraming iniwang katanungan ang pagpapakamatay ng entertainment writer/talent manager/publicist na si Joey Diego. Natagpuan ang bangkay ni Joey sa kanyang inuupahang bahay kahapon ng umaga, May 10.

Closest friends lang ni Joey ang nakakaalam ng kanyang sideline of producing concerts with a mysterious partner. Kaya napakaraming nagulat sa kanyang pagsu-suicide dahil hindi na nito makayanan ang financial problem caused by his business.

Joey is a long-standing member of the Fourth Estate (press), one of the hardest working Entertainment Press Society (Enpress) members, and a publicist to some of the biggest names in showbiz—like Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, Dingdong Dantes, Alfred Vargas, and directors Louie Ignacio and Jerry Sineneng. Siya rin ang discoverer-manager nina Biboy Ramirez, CJ Ramos, Kris Martinez, and Paulo Avelino of StarStruck IV.

Si Joey ang unang publicist ng GMA-7 show na BestFrends—na naging Click sa kapanahunan nina Biboy, Roxanne Barcelo, Maybelyn dela Cruz, at Luis Alandy, hanggang sa dumating sina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Alessandra de Rossi, James Blanco, Chynna Ortaleza, at Railey Valeroso. Sa ABS-CBN naman, si Joey ang nag-PR ng Super Inggo. Before his death, he was the publicist of Little Big Superstar since Little Big Star pa lang ang title nito.

Early last year, nagsimula si Joey sa kanyang sinasabing concert-series business, kung saan ang mahihiram niyang pera sa isang kaibigang press or artista ay papalitan niya ng tseke with a 20 percent interest at magu-good ito after 30 days. Noong simula, walang naging problema sa business niya as more investors came in.

Joey was also connected to publishing. Siya ang publisher ng matagumpay na sexy coffee table bookazine ni Alfred Vargas.

Ang ipinagtataka lang ng mga kaibigan niya, since he is also an entertainment writer, bakit hindi naman napa-publish sa mga columns niya ang sinasabing mga concerts na ipinu-produce ng kanyang production?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan daw, kuwento sa amin ni Biboy Ramirez—whose parents happen to be one of the biggest investors—nagpasabi raw ang kanyang ina na manonood ito ng concert. Willing daw ang ina ni Biboy to pay for her airfare dahil sa malayong probinsiya ito gagawin, pero hindi siya pinayagan ni Joey.

Isa pang nakapagtataka, bagama't hawak ni Joey ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya, hindi niya ito ginamit sa concert niya. Nang unang na-offer-an ni Joey ang parents ni Biboy, ito ang unang tinanong sa kanya: Bakit hindi kasali si Biboy gayong marunong naman itong kumanta? Ito rin ang unang sinabi ni Angelika kay Joey nang offer-an ang kanyang boyfriend na mag-invest.

Isang "Dela Peña" raw na taga-Aklan ang business partner ni Joey. Walang nakakakilala rito kahit ang mga kasamahan ni Joey sa bahay. Hindi pa raw ito nakikita ng kahit na sino at isang pangalan lang siya na palaging binabanggit ni Joey bilang partner niya. Ang driver ni Joey na palagi niyang kasama ay hindi rin kilala ang sinasabing partner niya. Ang pinanghahawakan lang daw ni Joey sa kanyang partner ay ang titulo ng lupain nito sa Aklan worth millions.

Walang iniwang suicide note si Joey to name his partner. So far, hindi pa rin nahahalughog ang bahay ni Joey para mahanap ang sinasabing titulo ng lupain.

Sabi ng kapatid ni Joey sa unang gabi ng burol niya, na-check na raw nila ang mga bank accounts ni Joey. Zero balance ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN