Angelika dela Cruz and Marvin Agustin clueless about the problem of their publicist


Joey Diego was the publicist of Angelika dela Cuz (left) and Marvin Agustin (right), but the two stars were both unaware of the financial problem of Joey.



Sina Marvin Agustin at Angelika dela Cruz ang dalawang pinakaunang talents na hinawakan ng nagpakamatay na entertanment writer/talent manager/publicist na si Joey Diego. Nagbigti si Joey kahapon ng umaga, May 10, sa kanyang inuupahang townhouse sa Samar St., Quezon City.

Madalas ding sabihin ni Joey noong nabubuhay pa siya na ang dalawa ang pinakamahal niya sa lahat ng hinahawakan niya, either bilang talent or bilang kliyente. Kaya siguro inilayo ni Joey sina Marvin at Angelika sa mga problemang kinasangkutan niya ng mahigit isang taon na. Nang naisip nitong magpatiwakal, ang dalawa rin ang huling nakaalam.

Bagama't mahigit isang taon na ang business ni Joey—suppossedly a concert series kung saan siya ang nagpapaluwal ng pera sa isang "partner" niyang taga-Aklan—kailan lang na ialok ni Joey si Angelika na sumama sa kanyang business. Hindi pa nga mismo si Angelika ang inalok ni Joey kundi ang boyfriend ng young actress-singer.

"Hindi ko alam kung bakit hindi ako ang inu-offer-an niya na makisosyo sa kanya. Tapos, nang nakita ko yung contract, biniro ko pa siya, 'Bakit nagpapa-concert ka pala hindi mo ako kinukuha?'" sabi ni Angelika sa unang gabi ng burol ni Joey sa Funeraria Nacional sa Araneta Avenue, Quezon City.

This week na lang daw tumawag si Joey kay Angelika dahil sa financial problem niya.

"Umiiyak siya, naloko raw siya ng partner niya at ang dami nang nanghihingi ng pera. Sabi ko sa kanya, ‘Bakit ngayon mo lang sinabi ito? Tutulungan kita.' Yung kotse niya, ibebenta na muna namin para may may initial money siya. Pinapunta ko ang boyfriend ko doon para kunin ang papeles ng kotse niya, pero hindi pa pala fully-paid sa bangko kaya mahirap pang ibenta.

"Sabi ko, sige kami ng boyfriend ko ang magbabayad ng kulang sa bangko tapos ako naman magbibigay. Pero ang sinabi niya na lang, basta mahal niya ako at sorry sa mga naging pagkukulang niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ito. This was last Tuesday [May 8]," kuwento ni Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-black din, tulad ni Angelika, na dumating si Marvin. Clueless din ang aktor sa nangyayari sa buhay ng kanyang publicist.

"Never siyang nagsalita sa akin na may problema siya na ganito," sabi ni Marvin. "Kung nasabi niya lang ito, baka pangaralan ko muna siya tapos tutulungan ko na siya nang walang kapalit. Hindi na nga niya kailangang utangin ang pera.

"Ang last call niya sa akin, last Tuesday din. Pero nagti-taping ako noon [ng Asian Treasures] kaya hindi ko nasagot. Nang nabasa ko, tinawagan ko siya pero hindi niya naman sinagot. Sabi ko, kung importante ito tatawag ito ulit."

Hindi na sila muling nagkausap ng kanyang publicist.

Sina Marvin at Angelika ang aako ng bayad sa Funeraria Nacional. Dapat sana ay sa Prudential Funeral Home sa Maceda St., Sampaloc, Manila ilalagak ang labi ni Joey. Ngunit hapon pa lang ng May 10, nasabi na sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ni Angelika through phone na ililipat nga raw nila si Joey sa Nacional para mas accessible ito for his friends.

Sa Linggo, May 13, iuuwi ang labi ni Joey sa hometown niya sa Olongapo. Isang misa naman ang iaalay ng kanyang mga kasamahan sa Entertainment Press Society (Enpress) mamayang gabi sa Funeraria Nacional.

Joey was 41 years old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN