Gerald Anderson defends Kim Chiu's visits to his condo unit


"Wala naman pong masama kung pumunta si Kim sa condo ko. Lagi naman may kasama si Kim 'pag pumupunta," explains Gerald Anderson about a report that his screen partner, Kim Chiu, is always being spotted in his condo unit.



Hindi itinanggi ng young actor na si Gerald Anderson ang lumabas na balitang nakitang pumunta sa condo niya ang ka-loveteam na si Kim Chiu. Inamin ito ni Gerald sa press con ng bago nilang comedy show ni Kim na Gokada Go (dating Let's Go) kaninang hapon, May 11, sa Club O ng ABS-CBN.



"Pinapunta ko po doon si Kim dahil sabi ko, ibibigay ko ‘yong regalo ko sa kanya. Pero actually, gusto ko po siyang sorpresahin. Nag-set po ako ng table sa rooftop ng condo na parang dinner date namin," kuwento ni Gerald.

Nagdiwang ng kanyang 17th birthday si Kim last April 19. Pero dahilsa parehong busy sina Gerald at Kim, hindi sila nakapag-celebrate ngbirthday ng dalaga. Pagkatapos ng birthday ni Kim, pumunta pa ang youngactress sa Cebu for a show. So pagbalik ni Kim, doon lang nagkaroon ngpagkakataon si Gerald para sorpresahin ang onscreen partner.

Ayon kay Gerald, "Wala naman pong masama kung pumunta si Kim sa condo ko. Lagi naman may kasama si Kim pag pumupunta. Like, maycase na nalaman namin na number one kami [Sana Maulit Muli], ‘yon,nag-celebrate po kami. May mga fans, so hindi naman kami lang."



Noong una ay hindi maintindihan ni Gerald kung bakit paulit-ulit na lang ang isyu na nagpupunta sa condo unit niya si Kim. Later na lang nalaman ni Gerald na may nakatirang entertainment writer sa condo na tinitirhan niya.

Prior to Gerald's surprise dinner to Kim, naibigay na rin ng binata ang isa pa niyang gift kay Kim—isang Nokia 7390 cell phone.



"Kasi po, lagi siyang nagrereklamo sa phone niya, na laging nagha-hang daw. So, ‘yon lang ang naisip ko [na regalo]," paliwanag ng young actor.



Masaya ring ibinalita ni Gerald na naka-five shooting days na sila ni Kim sa still untitled movie under the direction of Lino Cayetano for Star Cinema. Puro "fighting" scenes—as in away at asaran—pa lang daw ang nakunan sa kanila ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula na ang Gokada Go sa June 2. Makakasama nina Gerald at Kim dito ang ilan sa cast ng Let's Go plus Matteo Guidicelli and Ms. Gina Pareño.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN