Budding romance brewing between two "Gokada Go" stars


Piolo Pascual-lookalike Joem Basco (right) admits courting his Gokada Go! co-star Eda Nolan. "Kasi sabi niya dati, never na never siya magpu-fall sa akin. Kasiginugulo ko siya dati, na sabi ko aminin mo na kasi. Nagdyo-joke langako. Tapos noong isang beses, 'yon, sinabi niya. Ako 'yong nagulat," says Eda.



Tatahi-tahimik ang mga newcomers na sina Joem Bascon at Eda Nolan, pero may namumuo na palang relasyon sa kanilang dalawa. Buong-tamis na isiniwalat ni Joem ang espesyal na nararamdaman niya para kay Eda nang makausap namin sila sa press con ng Gokada Go!, ang programang pumalit sa Let's Go, kahapon sa Club O ng ABS-CBN.



"Sobrang kumportable kami sa isa't isa kaya ayun, naging special nga na kaibigan siya sa akin" nakangiting pahayag ni Joem, na sinasabing malaki ang pagkakahawig kay Piolo Pascual.



Ayon kay Joem, magaling makisama at nakakatawa si Eda. Ito raw ang mga katangiang nagustuhan ng binata sa dalaga. Sa physical appearance naman daw, kahit hindi ganoon kaseksi, sobrang cute para kay Joem si Eda.



Tinext daw ni Joem si Eda at saka sinabi ang kanyang nararamdaman para sa dalaga.



"Magugulo daw po ang mundo kapag sinabi niya. Iyon po ang text niya sa akin. E, noong mabasa ko 'yon, naguluhan po ako," kuwento ni Eda.



Ano naman ang isinagot ni Eda kay Joem?



"Hindi ko na maalala," sabi ni Joem. "Actually, hindi ko naman diniretso na type kita. Kumbaga, pasimple lang po. Trabaho muna tayo."



Ayon kay Eda, "type kita" ang saktong text ni Joem sa kanya.



Dagdag pa ni Eda, "Tapos tinanong niya ako kung ano ang reaksiyon ko. Nagulat po ako. Kasi sabi niya dati, never na never siya magpu-fall sa akin. Kasi ginugulo ko siya dati, na sabi ko aminin mo na kasi. Nagdyo-joke lang ako. Tapos noong isang beses, 'yon, sinabi niya. Ako 'yong nagulat. Ako 'yong nag-backout. Akala ko kasi nagjo-joke pa siya. Ayokong patulan 'yong joke niya."



Paano manligaw si Joem sa kanya?



"Kuripot po!" pambubuko ni Eda.



"Hindi po ako kuripot 'pag nanliligaw ako. Siguro 'pag sinabi ni Eda na hindi na ako kuripot, 'yon iyong time na kuripot na ako," singit naman ni Joem bilang pagtatanggol sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Inamin ng dalawa na nag-date na sila.



"E, gusto rin po siya ng parents ko," sabi ni Eda tungkol kay Joem. "Kasi gusto ng Daddy ko 'yong bumabati. Nakikita ng Daddy ko na ginagalang siya."



Joem will turn 19 this December at magsi-17 naman si Eda sa August. Posible bang next time na interbyuhin namin sila ay sila na talaga?



"Ayokong magsalita. Pero why not?" sabay tawa ni Eda.



Hours after the press con, nakita ulit namin sina Joem at Eda na magkasama palabas ng ABS-CBN. This time, nakaakbay na si Joem kay Eda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN