Julio Diaz admits involvement in an international prostitution ring




May exclusive interview ang Startalk sa aktor na si Julio Diaz at mapapanood ito ngayong hapon. Ang Startalk reporter na si Gorgy Rula ang nag-interview kay Julio na naging very open dahil ikinuwento nito ang kanyang makulay na nakaraan.



Sa nabanggit na interview, inamin ni Julio na nasangkot siya sa "international prostitution ring."



Noong una, nakiusap si Julio na huwag nang ipalabas ng Startalk ang mga sinabi niya tungkol sa international prostitution dahil maraming tao ang madadamay.



Nagbago ang desisyon ni Julio nang ipaliwanag sa kanya na magiging maganda ang treatment ng Startalk sa kuwento niya na kapupulutan ng magandang aral.



Ibinulalas din niya ang matinding sama ng loob laban sa isang kapwa aktor at dating matalik na kaibigan na tumangay sa kanyang pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Nakatira si Julio sa Bulacan. Pumayag siya na makunan ng Startalk ang kanyang activities sa bahay, ang pag-aabang niya at pagsakay sa bus para makaluwas ng Maynila.



Hindi ikinahihiya ni Julio ang pagsakay sa public transportation dahil malaki raw ang kanyang natitipid. Kung gagamitin niya ang kanyang kotse, maliwanag na P700 ang kanyang magagastos samantalang P200 lang ang back-and-forth transportation fare niya mula sa Bulacan papunta sa kanyang mga appointment sa Metro Manila.



Nagsalita rin si Julio tungkol sa akusasyon na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot at naghihirap na siya.

Nagsimula si Julio bilang sexy actor ngunit dahil kinakitaan ng kakaibang husay sa pag-arte, nakagawa siya ng mga makabuluhang pelikula na kinilala ng iba't ibang award-giving bodies.

Ang ilan sa mga pelikulang nagawa ni Julio ay Sinner or Saint (1984), Paano Tatakasan ang Bukas (1988), Kailan Ka Magiging Akin (1990), Aliwan Paradise (1992), Bayani (1992), Sakay (1993), The Flor Contemplacion Story (1995), Segurista (1996), Sana Pag-ibig Na (1998), Hubad sa Ilalim ng Buwan (2000), Balahibong Pusa (2001), at Lapu-Lapu (2002).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN