Cesar Montano and Sunshine Cruz fly to Bohol tomorrow


Senatorial candidate Cesar Montano and his wife, Sunshine Cruz, are scheduled to fly to Bohol tomorrow, May 13, for the May 14 elections.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine Cruz sa birthday party ng entertainment columnist na si Aster Amoyo na ginanap sa bahay ni Ricky Reyes noong Huwebes ng gabi, May 10.



Ikinuwento ni Sunshine na pupunta sila bukas, May 13, ni Cesar Montano sa Bohol dahil doon sila boboto. Bago ang biyahe nila sa Bohol, napagkasunduan nila ni Cesar na magsisimba muna sila.



Maiiwan ng mag-asawa sa bahay nila sa Quezon City ang kanilang tatlong anak na babae. Naka-rehistro sa Makati City ang mga yaya ng tatlong bata kaya hindi sila makakasama sa Bohol. Ayon kay Sunshine, ayaw ng kanyang mga kasambahay na masayang ang mga boto nila para kay Cesar.



Maraming natutunan si Sunshine sa panahon ng pangangampanya nila ni Cesar. Inamin din niya na may mga oras na maigsi ang kanilang pasensiya dahil sa matinding pagod sa kampanya, pero mabilis itong nawawala.



Hindi masabi ni Sunshine kung hanggang kailan sila ni Cesar sa Bohol dahil gusto rin nila na makapagpahinga.



Once again, pinabulaanan ni Sunshine na milyun-milyong piso ang kapalit kaya nahimok si Cesar na kumandidatong senador sa ilalim ng TEAM Unity.



Nang mag-file si Cesar ng kandidatura, ipinahinto nila ang construction ng kanilang bahay sa isang subdivision sa Q.C.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN