Direk Wenn Deramas reveals his next projects


One of the busiest directors in the country today is Wenn Deramas. The box-office director has at least three projects in his lineup.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang direktor na si Wenn Deramas sa grand finals ng Little Big Superstar—ang singing contest on television hosted by Sarah Geronimo—kahapon, May 12. Kinumpirma ni Direk Wenn na na-postpone ang ididirek niyang Sine Serye para sa sa ABS-CBN, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, na pinagbidahan noon nina Sharon Cuneta at Hilda Koronel.



Pero hindi ito nangangahulugan na mababakante si Direk Wenn sa TV. Magsisimula pa rin ang direktor ng isa pang show sa Kapamilya Network, and this time, balik-fantaserye siya. Matatandaan na si Direk Wenn ang nagdirek ng kauna-unahang fantasy-series sa TV, ang Marina, na tinampukan ni Claudine Barretto.



Ni-reveal sa amin ni Direk Wenn na nagsimula na silang mag-casting para sa pinakabagong fantaserye ng Kapamilya Network, ang remake ng Kokey. Ang Kokey ay ang pelikulang idinirek ni Romy Suzara noong 1997 para sa Star Cinema.

May mga pagbabagong gagawin at mas pabobonggahin daw ni Direk Wenn ang Kokey sa TV. Sa ngayon, naghahanap pa si Direk Wenn kung sino ang gaganap bilang si Kokey. Lingid sa kaalaman ng marami, ang unang gumanap na Kokey ay walang iba kundi si Mahal.



Masaya ring ibinalita ni Direk Wenn na all-out ang suporta ng Viva Films para sa susunod na pelikung ididirek niya, ang Four In One. Ang Four In One ay isang comedy film na pagbibidahan nina Rufa Mae Quinto, Gladys Guevarra, Candy Pangilinan, at Eugene Domingo.



By June, kukunan ni Direk Wenn ang ilang eksena ng movie sa Hong Kong. Mag-i-stay si Direk Ween sa Hong Kong ng hanggang sampung araw. Kasabay niyang isu-shoot ang Four In One at ang taping ng Kokey.



Pagkatapos niya ng Four In One, isusunod naman ni Direk Wenn sa July ang balik-tambalan nila ni Ai-Ai delas Alas—after the blockbuster Ang Cute ng Ina Mo—sa pelikulang Pasukob with Rufa Mae under OctoArts Films. Ito ang entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Filmfest (MMFF) sa December. Malamang isabay naman ni Direk Wenn sa shooting niya ng Pasukob ang teleserye na pagsasamahan nina Ms. Susan Roces, Kim Chiu, at Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nauna rito, tinanggihan na ni Direk Wenn ang movie na inalok sa kanya ng Regal Films na intended din sana for MMFF this year and with Ai-Ai again, ang Aswang ang Nanay Ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN