Talent manager and publicist Joey Diego to be buried in Olongapo




Dalawang magkasunod na gabi na binigyan ng misa ang pumanaw na entertainment writer/talent manager/publicist na si Joey Diego bago ito dinala sa Olongapo.

Isang gabi lang sanang ilalagak ang bangkay ni Joey sa Prudential Funeral sa Maceda, noong May 10, also the day he took his life. Pagkatapos nito, binalak nang dalhin ng mga kamag-anak ni Joey ang kanyang labi sa Olongapo para doon iburol dahil sa Olongapo Cemetery na rin naman siya ililibing.

Nag-request ang mga malalapit na kaibigan ni Joey na kung puwede ay bigyan ng ilang panahon ang mga kaibigan niya sa showbiz na magkaroon ng burol sa Manila bago siya ihatid sa kanyang huling hantungan sa kanyang home town. Pumayag naman ang pamilya niya.

Nagdesisyon din si Angelika dela Cruz, isa sa mga pinakaunang talent na pini-PR ni Joey, na ilipat siya sa mas malaki at mas accessible na punerarya, ang Nacional Funeral sa Araneta Avenue, at pumayag muli ang pamilya ni Joey.

Sina Angelika at Marvin Agustin, ang isa pang pini-PR noon ni Joey, ang naghati ng gagastusin sa burol. Malaki rin ang inambag ng iba pa niyang talents na sina Alfred Vargas at Kris Martinez.

This allowed some of his friends to give him the last requiem mass. May 11, ang Enpress (Entertainment Press Society), kung saan isa sa original and founding members si Joey, ang nagbigay ng misa sa pangunguna ni Fr. Larry Faraon. Noong May 12 naman, si Manny Valera, another manager and Regal Films supervising producer na kaibigan din ni Joey, ang nagpa-misa para sa mga hindi nakarating sa unang misa.

Noong unang gabi ng lamay niya, ilan sa mga dumating na makiramay ay ang mga GMA-7 press corps and production managers—kahit ABS-CBN shows ang pini-PR ni Joey before he died, naka-handle din siya ng GMA -7 shows—at ang mga artistang malalapit sa kanya na sina Angelika, Marvin, Kris, Paulo Avelino, Biboy Ramirez with constant date Jackie Rice, and former Click mainstays Angel Locsin and Trisha Roman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huling gabi ng lamay niya, namataan namin sina Kris, Paulo at ang mga new talents ni Joey na sina Harry at Alvin Marquez. Nakita rin namin sina Ynez Veneracion, Camille Prats, na pini-PR din ni Joey, at si Dulce na kumanta ng isang inspirational song after her eulogy.

Maraming miyembro ng entertainment press ang hindi dumalaw sa burol ni Joey.

Understandably, ang ilan sa kanila, kahit naawa sa pagkamatay ni Joey, nasaktan pa rin sa nangyari sa kanila na kinasangkutan ng pera. Hindi na nga kasi maibabalik ang pinaghirapan nilang maipundar ngayong wala na si Joey kung kaya't ganoon na lang ang sama ng loob nila.

Biyernes ng umaga, May 11, tumawag si Angelika sa amin dahil may naririnig siyang may ilang press daw ang nag-uusap kung puwedeng kumuha ng mga gamit ni Joey sa nirerentahan nitong bahay kahit konting kabayaran man lang at makabawi sila. Nag-request si Angelika na kung itutuloy ang balak nila, sana ay hindi makuha ang PC ni Joey or kahit ang hard drive man lang nito at baka sakaling may makuhang information tungkol sa sinasabing business partner ni Joey, isang "Dela Peña" ng Aklan.

Napag-alaman din namin na gabi bago magpakamatay si Joey, ilang miyembro ng press ang dumating sa bahay niya para maningil. Dahil walang makuhang pera, natural na nagalit sila kay Joey at ilan daw dito ay nakapagmura at nakapagsalita ng mga masasakit kay Joey. Ang ilan naman ay nanakot daw ng pagdi-demanda at nagbantang ilalabas ang sikreto sa money-scheme business nito.

Ilan din ang sumubok na tumawag kay Joey noong gabi ng Miyerkoles, May 9, para mangulekta. Bandang alas-tres ng umaga ng May 10, off na ang cell phone ni Joey at pati ang landline niya ay tinanggal na rin.

Dakong alas-singko ng umaga noong May 10, nagpatiwakal si Joey sa pamamagitan ng pagbigti. Alas-sais ng umaga siya natagpuang wala nang buhay ng kanyang kasamahan sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN