Does Baron Geisler have a drinking problem?


Baron Geisler has been involved in two drinking incidents, prompting some people to suggest that he should enter into a rehabilitation facility.



Marami na ang nagsa-suggest kay Baron Geisler na pumasok sa isang alcoholic rehabilitation facility dahil hindi na diumano nito makontrol ang kanyang pag-inom.



Ang masama pa raw nito ay hindi aware si Baron na nalalasing na siya at kung anu-ano na ang ginagawa niya. Isang sign daw ng pagiging alcoholic ang patuloy na pagde-deny na isa ka nang alcoholic.

"Parang droga ‘yan, e. Wala namang drug addict na umaamin na lulong na siya. Nasa denial stage lahat. Tulad ni Baron, he claims na hindi siya nalalasing, pero hindi niya alam na nalalasing na pala siya. He needs professional help kasi sayang naman ang batang ‘yan," sabi ng nakausap naming doktor.



Twice nang nasasangkot si Baron sa drinking and stripping incidents. Una ay sa isang bar kung saan pinalabas siya diumano ng mga security guards dahil sa sobrang kalasingan. Pangalawa ay sa isang shower party kung saan nalasing diumano ulit ang young actor at nag-strip tease pa sa harap ng maraming tao.



Hindi na biro ang mga ginagawang ito ni Baron kung sakaling totoo nga ang mga lumabas na balita. Sa kabila nito, patuloy pa rin na iginigiit ni Baron na hindi raw siya alcoholic. But action speaks louder than words, wika nga.



Sana nga ay tulungan ni Baron ang sarili niya dahil sinasayang lang niya ang pamamalagi niya sa showbiz. Paano siya magkakaroon ng maraming trabaho kung sa pagkakaalam ng mga tao ay may drinking problem siya? Kaya advice ng marami kay Baron to go get professional help before it's too late.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN